BINI Gwen, VXON Patrick tinuksu-tukso sa KZ-TJ concert, magdyowa na?

MAY namamagitan na nga bang "something" sa pagitan ni BINI member Gwen Apuli at member ng VXON na si Patrick Rocamora?
Hot topic kasi ngayon ng mga fans sa social media ang dalawang Kapamilya artists dahil sa isang video kung saan naispatan silang magkatabi sa "In Between" concert ng celebrity couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.
Bukod kay VXON Patrick, ka-join din ni BINI Gwen si BINI Colet Vergara na nanood sa concert nina TJ at KZ.
Sa Facebook post ng Kapamilya Online World, makikita ang comic strip pubmat kung saan tila may ibig ipakahulugan ang pagbati ni KZ sa katabi ni BINI Gwen.
"May katabi si BINI Gwen, o. Ang pogi," ang panunukso ni KZ na sinegundahan naman ni TJ ng, "VXON Patrick."
"Hoy VXON Patrick," ang nangingiting hirit pa ni KZ habang nasa stage. "Ang ganda ng katabi mo."
Dahil dito, nag-assume na ang ilang netizens na mukhang totoo nga ang chika na nagkakamabutihan na sina BINI Gwen at Patrick.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon sa naturang video post:
"Hala kala ko c Mackenyu Yung boy at first."
"Lubog naba ang hambebe?"
"Aba lumalovelife na din ang HamBebe Bini Gwen na yan."
"Ayyy bagay. Parehas matino."
"Parang sya na ang makakasira sa bini kasi mabubuntis."
"Ok lang yan matino yan si patrick at sobrang supportive nila sa isat isa. Pero yung ibang bini nako wag na nila subukan ilantad yung mga jowa nilang sigbin at sobrang red flag. Nakakahiya lang sila."
"How about bebe Shenna?"
The post BINI Gwen, VXON Patrick tinuksu-tukso sa KZ-TJ concert, magdyowa na? appeared first on Bandera.

No comments: