BREAKING NEWS

Sofia Pablo sa tunay na relasyon nila ni Allen Ansay: Single but not available

Sofia Pablo sa tunay na relasyon nila ni Allen Ansay: Single but not available
Allen Ansay at Sofia Pablo

IBINANDERA ng Kapuso youngstar na si Sofia Pablo ang tunay na estado ng relasyon nila ng ka-loveteam na si Allen Ansay.

Maraming fans ang naniniwala na matagal na raw magdyowa ang dalawa base sa kanilang body language at tinginan kapag magkasama.

Paglilinaw ni Sofia hindi pa sila "in a relationship" ni Allen pero totoong may "understanding" na sila sa kanilang relasyon.

Sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda", diretsahang tinanong ang na-evict na "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0" kung sila na ni Allen.

"No, not yet. Kumbaga it's a special friendship na alam namin na kung ready na kami magkaroon ng official relationship, 'yung isa't isa," tugon ng dalaga.

Kuwento pa ni Sofia, kahit daw noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya, ay tinanong din siya ng kapwa housemate na si Ashley Sarmiento tungkol sa tunay na relasyon nila ni Allen.

Ang tugon daw niya, "Nasa point na I'm single, but not available." Dugtong ni Sofia, may mutual understanding na sila ngayon ni Allen.

Samantala, shookt daw siya sa Valentine's date proposal ni Allen sa kanya pagkalabas niya ng Bahay ni Kuya. 

Hindi pa rin daw niya knows kung ano ang plano ng aktor para sa Araw ng mga Puso, "Lagi naman 'yun may surprise kasi ayaw niya po ako pinagpaplano, siya na raw bahala. Sabi ko, 'Okay.'" 

Nausisa rin ng King of Talk na si Tito Boy Abunda si Sofia tungkol sa isang taong pinagselosan daw niya noon dahil kay Allen. Pero matagal na raw iyon at ayaw na niyang pangalanan.

"Basta naka-work niya, naka-work niya sa GMA," ani Sofia.

The post Sofia Pablo sa tunay na relasyon nila ni Allen Ansay: Single but not available appeared first on Bandera.


Sofia Pablo sa tunay na relasyon nila ni Allen Ansay: Single but not available Sofia Pablo sa tunay na relasyon nila ni Allen Ansay: Single but not available Reviewed by pinoyako on February 11, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close