Katrina Halili mataray, maldita nga ba sa tunay na buhay?

SA mahigit 20 years na pagganap ng Kapuso actress na si Katrina Halili bilang kontrabida, pinaniwalaan na ng karamihan na bad at mataray talaga siya sa tunay na buhay.
Nagsalita si Katrina tungkol sa matagal nang misconception sa kanya ng publiko na isa siyang maldita at mataray in real life.
Sa latest YouTube vlog ng magaling na kontrabida, sumabak siya sa lie detector test kasama ang ex-partner niyang si Kris Lawrence, ang tatay ng anak niyang si Katie.
Aniya, mula noon hanggang ngayon ay naiisyu pa rin ang kanyang pagiging "mataray" maging sa likod at harap ng mga camera.
"Pero minsan naman depende sa tao. Wow!" natatawang chika ni Kat na aminadong nakaapekto talaga ang pagganap na kontrabida sa mga teleserye sa tingin sa kanya ng mga tao on and off cam.
Ilan sa mga teleserye kung saan nagkontrabida siya after sumali sa reality-based artista search ng GMA na "StarStruck" noong 2003, ay ang "Marimar" (2007) at sa 2005 at 2009 TV version ng "Darna" (2009).
"Sa sobrang galing ko, wow, masyadong tumatak. Charot! Ilang years din, e, siguro 21 years ata akong nagkontrabida pero minsan din naman depende sa tao na kaharap ko.
"Ang truth ay mataray talaga!" ang natatawang sey pa ni Katrina.
"Di naman ako mataray. Ano lang, siguro naja-judge nila ako dahil sa boses ko saka sa looks ko kaya nga tayo naging kontrabida ng two decades.
"Siguro yun din yung naging edge ko kaya kahit minsan kahit 'di naman super galing, malditang maldita na sila," saad pa ni Katrina na napapanood ngayon sa GMA Afternoon Prime series na "Unica Hija."
The post Katrina Halili mataray, maldita nga ba sa tunay na buhay? appeared first on Bandera.

No comments: