CNY Year of the Horse: 5 direksyon sa loob ng bahay na swerte sa 2026

NGAYONG Year of the Fire Horse, ayon sa Chinese zodiac at feng shui, ang swerte ay may kinalaman sa energy, kulay, elemento, direksyon, at pagkilos.
Ang Fire Horse ay sumisimbolo ng tapang, bilis ng desisyon, independence, at biglaang pagbabago, kaya itinuturing na maswerte ang pagiging proactive, mabilis na pagdedesisyon at kahandaan sa bagong simula.
Masuwerte ang mga kulay na sumusuporta sa apoy tulad ng Red, Orange, Pink, Purple, at Green, dahil inuugnay ang mga ito sa aspeto ng abundance and passion.
Sa feng shui beliefs, ang South at Southeast directions na inuugnay sa Fire at Wood energy ay itinuturing na magandang direksyon para ngayong 2026.
Sa exclusive interview ng BANDERA sa feng shui expert na si Master Hanz Cua, ibinandera niya ang mga maswerteng lugar at direksyon sa loob ng bahay kung saan dapat idini-display ang mga lucky charms.
"Alam mo ba ang feng shui is may kinalaman sa direction, right direction, right timing, right feng shui master, right na mga lucky charms. Ito po ay para ma-enhance ang right decision mo," simulang pahayag ni Master Hanz.
"Pag-usapan natin ang limang sector direction na swerte for 2026. Ang unang direksyon na swerte ay nasa north direction. Nasa north direction kasi ang heaven blessing sector. 'Yung nagpe-pray tayo, magandang ilagay ng mga santo natin sa north direction.
"Face north direction dahil nasa north direction sa 2026 ang heaven's gate, opportunity o 'yung mga wish natin, mga pray natin sa heaven ay posibleng mag-come true if nasa north direction 'to.
"Ang sector na northeast naman para sa mga love, relasyon. Kung ikaw ay single, it's complicated, may partner na, maganda matulog kapag northeast direction dahil nasa northeast direction ang love direction.
"Maglagay ng rose quartz, ng happy couple, mandarin ducks northeast direction para ma-enhance natin ang happy love life. Sa mga nag-aaral, make sure to review to facing northeast direction to enhance good grades," aniya pa.
Pagpapatuloy pa niya, "Number 3 na maswerteng direction is east direction. Nasa east direction kasi ang money at ang wealth star. Kung meron kayong cashier, negosyo, tindahan, make sure to utilize, maglagay ng mga pera –diyan kayo magbilang ng pera sa east direction.
"Maganda maglagay ng wealth inviting cat, money tree, money buddha, money frog, 'yung mga wealth enhancers niyo sa east direction. East direction ay money direction.
"Ang southeast direction naman, andyan naman this year ang long term success star. Ibig sabihin nito, if gusto mo mga kliyente mo tuloy-tuloy ang deals, tuloy tuloy ang project, nagpipirmahan kayo ng kontrata, magpirmahan sa southeast direction. Diyan po ang long term success star," aniya pa.
"At ang pang limang sector na maswerte ay nasa center. Ang center kasi ang victory at success star.
"So center, southeast, east, northeast at north, iyan po ang limang sector na maswerte. Dapat gamitin, dapat maging active, lagyan ng mga lucky charm to enhance good luck for 2026," saad pa ni Master Hanz.
The post CNY Year of the Horse: 5 direksyon sa loob ng bahay na swerte sa 2026 appeared first on Bandera.

No comments: