Hot Air Balloon Fiesta handa nang magpakilig sa New Clark City sa Feb. 13-15

HANDA na ba kayo sa ultimate Valentine's treat?
Sa February 13 to 15, muling babandera ang 26th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta (PIHABF) sa New Clark City habang sumasayaw sa hangin ang makukulay na hot air balloons!
Perfect ito para sa date, barkada adventure, family bonding, o kahit solo photo spree.
Tatlong araw na punumpuno ng adventure, music, pagkain, tech showcases, at siyempre, mga lobo sa langit na kayang magpa-wow sa kahit sinong tumitingin.
Para sa mga gustong masaksihan ang pinaka-magic na parte ng pista, set your alarm nang maaga.
Baka Bet Mo: ALAMIN: Mga aabangan sa 26th PH Int'l Hot Air Balloon Fiesta sa New Clark City!
As early as 6:30 a.m., isa-isang aangat ang mga hot air balloon habang sumisikat ang araw.
Golden sunrise, malamig na simoy ng hangin, at makukulay na lobo sa langit…picture-perfect talaga!
At syempre, hindi mawawala ang Valentine's date special!
Sa Feb. 14, may Valentine's dinner na nagkakahalaga ng P1,800 per person, sa ilalim ng nagliliwanag na hot air balloons na sumasabay sa tugtog ng live band.
Masarap na pagkain, enchanting music, at kalangitang puno ng kulay na talaga namang isang romantic experience na hindi malilimutan.

Bukod sa kilig, may Aviation Seminar din para sa students, aviation enthusiasts, at industry pros.
Dito, makakakita ng latest innovations sa flying, safety tips, at expert talks na swak para sa mga curious sa mundo ng aviation.
Huwag ding palampasin ang mga aerial performances!
Mula paramotor stunts hanggang paragliding displays, plus ang futuristic Kyxz Hoverbike demo na isang eksenang parang sci-fi movie, pero live at talagang ma-a-amaze ka.

Asahan na magiging makulay ang langit dahil sa mga bagong hot air balloon characters na unang beses lilipad sa Pilipinas.
Kabilang na riyan ang Finley the Turtle (UK), Tuca the Toucan (Brazil), Red Macaw (Brazil), Blue Macaw (Brazil), at Walrus (Brazil).
Kasama rin sina Master Zaba (UK), Gnome (North Macedonia), Winnie (UK), Iggy the Purple Baby Dragon (Netherlands), Te Amo (USA), Frank Boy (Brazil), Babbe the Witch (Belgium), Saxon (USA), Boo (USA), at Cupid's Heart (Switzerland).
Magbabalik din ang fan favorites tulad nina Yoda, Princess Nelly, Busby, Party, Bagger, at La Cartuja.
Sa ground level naman, may car shows, drifting exhibitions, kite-flying demos para sa buong pamilya, at Fly Market na puno ng food stalls at local finds.
Pagsapit ng gabi, live musical performances ang magpapasigla sa buong New Clark City.
May thrill din para sa tech at sports lovers sa Paragliding Accuracy Competition, FPV Drone Races, at Drone Soccer.
[INSERT PHOTO]
Mark your calendars! Gaganapin ang 26th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta sa February 13 to 15 sa New Clark City, Tarlac.
Ang tickets ay nagkakahalaga mula P750 hanggang P8,500 na mabibili on-site o via HelixPay, SM Tickets, at Klook.
Para sa schedules at iba pang detalye, bisitahin ang www.philballoonfest.net at sundan ang Fiesta sa social media: Facebook, Instagram, at TikTok.
The post Hot Air Balloon Fiesta handa nang magpakilig sa New Clark City sa Feb. 13-15 appeared first on Bandera.

No comments: