QC kinilala bilang miyembro ng UNESCO Global Network of Learning Cities

MAY bagong ipagmamalaking karangalan ang Quezon City!
Kinilala kasi sila ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang isa sa 72 bagong miyembro ng kanilang Global Network of Learning Cities.
Ayon sa UNESCO, ito ay pagkilala sa patuloy na pagsusumikap ng lungsod na itaguyod ang inklusibong edukasyon mula sa basic hanggang higher education.
Kasama rin dito ang pagpapaigting ng kultura ng lifelong learning o patuloy na pagkatuto sa buong buhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pampublikong aklatan, mga learning at development programs para sa iba't ibang sektor, health at life skills education, pati na rin mga cultural at civic events.
Baka Bet Mo: True ba, Sylvia Sanchez tatakbong mayor ng QC sa Eleksyon 2028?
Ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tagumpay na ito at tiniyak ang patuloy na suporta ng kanilang administrasyon para sa makabago at matibay na edukasyon.
"In Quezon City, we believe that learning is not confined to classrooms alone. It happens across everyday spaces and throughout all stages of life, which is why we work to ensure that wherever our QCitizens are, they have equitable opportunities to develop their full potential," sey ni Belmonte sa isang pahayag.
Dagdag pa ng alkalde, "We stand with UNESCO in the belief that inclusive, excellent, and high-quality learning helps create and reinforce individual empowerment and social cohesion, alongside economic and cultural prosperity, forming the foundation for sustainable development."
Simula pa noong 2019, pinalakas na ng city government ang kanilang investment sa edukasyon sa pamamagitan ng pagpapalawig ng suporta sa mga pampublikong paaralan.
Kasama rito ang learning materials, classroom equipment, at ICT resources, pati na rin ang mas pinahusay na tutoring, scholarship, language, skills, at lifelong learning programs para masigurong may pantay na oportunidad ang lahat ng QCitizens.
Kasama rin ang suporta ng Quezon City Council, sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto at Majority Floor Leader Councilor Aly Medalla, sa pagpasa ng mga ordinansa at resolusyon na nagtataguyod ng lifelong learning.
"We see it as our responsibility in the City Council to pass measures that expand educational access for our QCitizens. We acknowledge that it is through institutionalizing education programs that they can access better opportunities in the future," wika ni Sotto.
Dagdag naman ni Medalla, "As Majority Floor Leader, I assure our QCitizens that we will continue to champion ordinances that strengthen quality education and support learning for all."
Bilang bagong miyembro ng global network, makakatanggap ang Quezon City ng gabay at technical support mula sa UNESCO, pati na rin ng pagkakataong makipagtulungan sa ibang lungsod at eksperto sa pagpapalaganap ng lifelong learning.
Sa kasalukuyan, may 425 miyembrong lungsod mula sa 91 bansa ang UNESCO Global Network of Learning Cities.
Sa Pilipinas, apat ang kabilang: Balanga, Legazpi, Baguio, at Quezon City, kung saan ang huli ay isa sa pinakabagong miyembro.
The post QC kinilala bilang miyembro ng UNESCO Global Network of Learning Cities appeared first on Bandera.

No comments: