#SerbisyoBandera: Ronnie Liang nanlibre ng operasyon sa 10 batang may cleft palate

HINDI pangkaraniwan ang pagdiriwang ng kaarawan ni Ronnie Liang ngayong taon!
Sa halip kasi na magpa-party, pinili niyang bigyan ng libreng cleft lip at palate surgeries ang sampung batang pasyente sa St. Vincent General Hospital sa Marikina.
Sa pamamagitan ng kanyang non-profit na "Project Ngiti," ginugol ni Rinnie ang kanyang espesyal na araw sa ospital, kasama ang mga piling bata na isasailalim sa libreng operasyon.
"Making my birthday special through charitable endeavors has become a tradition," bungad niya sa isang pahayag.
Baka Bet Mo: Ronnie Liang nagbabala sa AI scam: 'Hindi ako 'yan, huwag maniwala!'
Kwento pa ng singer-actor, "This began when I came to understand that being an artist involves more than just showcasing talent — it also involves touching people's lives. Every year, I look forward to celebrating my birthday with communities that I believe need my support."
Kasama sa proyekto ang Smile Train Philippines at mga doktor na sina Jenny Mercado, Edmund Mercado, at Niel Reyes.
Ayon kay Ronnie, mas dumami ang bilang ng mga nakinabang ngayong taon matapos niyang makita nang personal ang mga bata at kanilang pamilya.
"We decided to add more kids this year because we thought Project Ngiti should continue to provide free operations for kids with cleft lip and palate. When I went to see them at St. Vincent and witnessed their sincere smiles with their parents, I was very moved. In case anyone missed it, my hit song 'Ngiti' served as the inspiration for Project Ngiti," saad niya.
Mula nang itatag ang Project Ngiti noong 2022, mahigit 400 batang may cleft lip at palate na ang natulungan ng foundation.
Plano ni Ronnie na ipagpatuloy ang advocacy at tugunan ang patuloy na mga kahilingan ng mga pamilya.
"According to our skilled surgeons, children with cleft lip and palate can lead normal lives. Their parents have sent us letters and online messages requesting free surgery, and we are already making arrangements to fulfill their request. It would be great if more doctors would support our cause," dagdag niya.
Ibinahagi rin ng singer na nagbago na ang kanyang pananaw sa buhay at sa kaarawan: "When you reach a certain age, you stop worrying about what material things you should buy for your birthday. For me, it's about intention and purpose. When you're blessed, it's good to help people in need."
Ang hiling niya sa kaarawan? Patuloy na tagumpay para sa Project Ngiti, lalo na't marami nang pamilya ang umaasa sa kanilang serbisyo.
Sa career naman, plano ni Ronnie ang isang benefit concert sa hinaharap.
Ang kanyang huling major concert ay noong 2019, kasama si Sarah Geronimo bilang special guest.
Bukod sa pagiging singer-actor, si Liang ay Army reservist at piloto, at kamakailan ay nag-headline sa bagong music video ng Armed Forces of the Philippines na "Kanluran," na tumatalakay sa proteksyon at konserbasyon ng mga yamang-dagat ng bansa, lalo na sa West Philippine Sea.
The post #SerbisyoBandera: Ronnie Liang nanlibre ng operasyon sa 10 batang may cleft palate appeared first on Bandera.

No comments: