BREAKING NEWS

Robin Padilla, Bong Go hindi huhudasin ang minorya

NANINDIGAN sina Senators Christopher Go at Robin Padilla na hindi sila lilipat sa mayorya na pinamumunuan ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Matapos ang sesyon kagabi, nagpa-picture sa Session Hall sina Go at Padilla na naka-"fist bump," na kilalang tatak ng mga masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinawakan ng dalawa ang papel na may nakasulat na "DUTERTE BLOC KAMI. KAYO NA LANG ANG SUMAMA."

Baka Bet Mo: Robin Padilla ilalaban mas patas, makataong pasahod sa bawat Pinoy

Sa kanyang Facebook account, may post si Go na; "SOLID DUTERTE KAMI KAHIT TATLO NA LANG KAMI MAIIWAN."

Ayon sa senador dapat ay unahin ang pagbibigay serbisyo sa bansa at sambayanan sa halip na maging abala sa pamumulitika.

Unang nabanggit ni Sotto na may miyembro ng minorya ang nagpapadaramdam ng kagustuhan na lumipat sa mayora.

Sa kasalukuyan, may 15 senador sa mayorya at siyam naman sa minorya.

The post Robin Padilla, Bong Go hindi huhudasin ang minorya appeared first on Bandera.


Robin Padilla, Bong Go hindi huhudasin ang minorya Robin Padilla, Bong Go hindi huhudasin ang minorya Reviewed by pinoyako on February 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close