BREAKING NEWS

KZ Tandingan: ‘Ayokong maging nanay kasi nape-pressure na ‘ko’

KZ Tandingan: 'Ayokong maging nanay kasi nape-pressure na 'ko'
KZ Tandingan at TJ Monterde

PINANINDIGAN ni KZ Tandingan ang kanyang desisyon na ayaw pa niyang mabuntis, manganak at maging isang ina.

Iyan ang ipinagdiinan ng Kapamilya singer at songwriter sa nakaraan nilang concert ng asawang si TJ Monterde na "In Between" na ginanap sa Araneta Coliseum.

Pag-amin ni KZ kahit na isang dekada na silang magkasama ni TJ, wala pa rin sa plano niya ngayon ang magkaroon ng anak.

Sa panayam ng media sa mag-asawa after ng concert natanong nga ang tungkol sa baby.

Sabi ni TJ, "It comes when it comes. Okay lang. Makakapaghintay. Kung bibigyan kami, thank God. Kung kami lang ding dalawa panghabang-buhay, okay lang din. 

"Ayos lang 'yun. Kung ano ang will ni Lord sa aming dalawa, okay lang 'yun. A couple is a family," ang katwiran ng singer.

Sabi naman ni KZ sa ulat ng ABS-CBN, "Ang pressure ng pagiging parent, ang bigat-bigat sa nanay, eh. Kumbaga, you're not just carrying a child, you're changing yourself. 

"Kahit naipanganak mo na 'yung bata, you are completely changed as a person, physically, spiritually, and mentally.

"Sabi ko kanina, ayokong maging nanay kasi nape-pressure na ako. Sinasabi kasi ng mga tao, 'kailangan may mag-alaga sa iyo pagtanda mo.' Gusto kong maging nanay, kasi gusto kong maging nanay. 

"'Yung kaya ko nang alagaan 'yung anak ko, ayokong iluwal 'yung batang ito para lang pahirapan siya sa mundo dahil hindi ako prepared," sabi pa niya.

Sa ngayon daw ay patuloy ang pag-iipon ng mag-asawa para sa ipatatayo nilang dream house.

Hirit pa ni TJ, "Dati sabi ko, 'Lord, hanggang pambayad na lang ba ng bills ng Meralco at tubig ang kaya ko.' Ngayon, after my song 'Palagi,' nakakaipon na."

The post KZ Tandingan: 'Ayokong maging nanay kasi nape-pressure na 'ko' appeared first on Bandera.


KZ Tandingan: ‘Ayokong maging nanay kasi nape-pressure na ‘ko’ KZ Tandingan: ‘Ayokong maging nanay kasi nape-pressure na ‘ko’ Reviewed by pinoyako on February 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close