DILG: Gov’t vehicles hindi pam-pamilya, hindi pang-outing

BINALAAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na opisyal at kawani sa hindi awtorisadong paggamit ng mga sasakyan na pag-aari ng gobyerno.
Nag-ugat ang babala ng kagawaran sa mga sumbong at reklamo na ginagamit na school service maging sa outing ang mga sasakyan na binili gamit ang pondo ng bayan.
Babala ng DILG mahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal ang mga mahuhuling ilegal ang paggamit sa mga sasakyang pag-aari ng gobyerno.
Paalala pa ng kagawaran, ang paggamit sa mga sasakyan ng gobyerno ay dapat may kaugnayan sa pagganap ng tungkulin.
Baka Bet Mo: Papogi, epal na barangay chairman pwedeng ireklamo –DILG
Sakop ng Memorandum Circular 2026-011 ang mga pamahalaang-lalawigan pababa sa pamahalaang-barangay, maging ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ang mga ahensya na pangangasiwa ng DILG.
The post DILG: Gov't vehicles hindi pam-pamilya, hindi pang-outing appeared first on Bandera.

No comments: