Anne Curtis may natuklasan nang magpunta sa Siquijor, nakulam?

PASABOG ang naging rebelasyon ng TV host-actress na si Anne Curtis matapos nitong aminin na minsan na siyang nakulam.
Sa kanyang interview sa "Ang Walang Kwentang Channel" ng mga direktor na sina Tonet Jadaone at JP Habac, naikuwento ng aktres na noong nagpunta siya ng Siquijor ay sinubukan niyang magpausok at doon nalaman na mayroong kumukulam umano sa kanya.
"Inano [binasa] 'yung daliri ko […] tapos may ginawa siya ditong parang may binulong (sabay hawak sa likod). Ewan ko. Tapos parang humipan siya tapos pumantay nga 'yung daliri ko," aliw na kuwento ni Anne.
Sa tabi naman niya ay tawa nang tawa si Direk Tonet.
Baka Bet Mo: Anne Curtis sa famous 'I can buy you' line: Sinabi ko ba talaga yun?
Agad namang tinanong ng dalawang direktor si Anne kung nalaman ba niya kung sino ang kumukulam sa kanya.
"Hindi ko alam. Sabi niya lang, may someone daw na parang may inggit.
"It's either kaibigan or someone daw na parang medyo kakilala or either sa mga kakilala ng mga malapit sa akin," chika ni Anne.
Kasunod nito ay ikinuwento rin niya ang naging experience ng kasama niyang si Raymond na hindi raw nakukulam dahil malakas ang dasal ng mga magulang nito noong siya ay nasa sinapupunan pa lamang.
Nagtawaban naman sina Anne, Direk Tonet, at Direk JP dahil na-realize nila na baka mahina ang dasal ng nanay nitong si Mommy Carmen.
"Mama naman!" kwelang banat pa ng "It's Showtime" hosts.
Samantala, naikuwento rin ni Anne ang ilan sa mga kwentong pag-ibig niya kung saan naka-experience siya ng heart breaks.
Isa na rito ay ang kanyang naging moving on journey matapos ang paghihiwalay nila ni Sam Milby.
"Nag-travel na lang ako kasama 'yung mga barkada kona lahat rin single at that time. Lahat kami. Si Liz, after John Lloyd [Cruz]. Sobrang timing so parang sama-sama kaming brokenhearted, nag-Europe kami," ani Anne.
Giit pa niya, "It's important na you give yourself time to be alone."
Simula February 11, mapapanood na ang "The Loved One" sa mga sinehan na pinagbibidahan nila ni Jericho Rosales.
The post Anne Curtis may natuklasan nang magpunta sa Siquijor, nakulam? appeared first on Bandera.

No comments: