BREAKING NEWS

Drag queen Sofia natatakot makita ng inang si SexBomb Izzy bilang transwoman

Drag queen Sofia natatakot makita ng inang si SexBomb Izzy bilang transwoman
Izzy Trazona at Sofia Trazona

HINDI pa rin nagkakaayos ang original member ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona-Aragon at ang anak niyang drag queen na si Andrei Trazona.

Kinumpirma ni Andrei na mas kilala na ngayon bilang Sofia, na hanggang ngayon ay nananatili pa ring "unresolved" ang relasyon niya sa kaniyang ina.

May mga netizens na nagtanong sa drag artist kung okay na sila ni SexBomb Izzy matapos kumalat ang balita noon na hindi matanggap ng ina ang kanyang pagiging drag queen.

"Sa lahat ng nag message sa akin, no. Di na po kami nagkikita ni mama," ani Sofia sa kanyang X post bilang tugon sa tanong ng followers niya.

Inamin din niyang natatakot siya sa magiging reaksyon ng ina sakaling magkita sila uli ngayong isa na siyang transwoman.

"I'm also scared na pag nakita niya na ako ngayon as a transwoman, iba yung reaction na mareceive ko and ayoko na bumalik sa dark place nu'ng lumabas yung issue. 

"I just want validation and acceptance. (Wala nang) iba," ang pahayag pa ng drag performer.

Inamin din niya na dahil sa "unresolved relationship" nila ng ina, hindi na rin siya nakakapunta sa family gatherings sa side ni Izzy tulad ng birthdays at reunions.

"It's honestly so sad na di na ko nakakapunta sa mga reunion sa mom's side, even birthdays kase whenever pumupunta ako lagi lang akong pinag-uusapan and pinagkakaisahan," saad ni Sofia. 

Nitong nagdaang Lunes, ibinahagi ni Sofia sa Instagram na sasailalim siya sa isang "big operation" bilang bahagi ng pag-transition niya as a transwoman. 

Taong 2023, nang aminin ni Izzy na hindi siya sang-ayon sa pagiging drag queen ng anak. Aniya sa isang social media post, "Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you."

The post Drag queen Sofia natatakot makita ng inang si SexBomb Izzy bilang transwoman appeared first on Bandera.


Drag queen Sofia natatakot makita ng inang si SexBomb Izzy bilang transwoman Drag queen Sofia natatakot makita ng inang si SexBomb Izzy bilang transwoman Reviewed by pinoyako on February 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close