Anne Curtis sa famous ‘I can buy you’ line: Sinabi ko ba talaga yun?

NAGBIGAY linaw ang TV host-actress na si Anne Curtis hinggil sa kanyang famous and iconic line na "I can buy you, your friends, and this club".
Sa kanyang guesting sa "Ang Walang Kwentang Channel" ng mga direktor na sina Tonet Jadaone at JP Habac, naikuwento niya kung saan at kung paano sila nagkakilala ng kanyang asawa na si Erwan Heusaff.
"Brother siya ng friend [Solenn Heusaff] ko kaya doon ko na siya na-meet. In the most romantic place — the club," panimula ni Anne.
Dahil rito ay naungkat ni Direk JP ang kanyang "I can buy you" line na mag-trending noong masangkot siya sa isang kontrobesiya.
Baka Bet Mo: Anne Curtis sa 'power couple' blind item: 'Learn the art of dedma!'
Matatandaang noong 2013 ay nasali si Anne kasama ang isa pang aktor na si John Lloyd Cruz at kanyang mga kaibigan sa umano'y drunken incident at dito raw nagmula ang famous line na hanggang ngayon ay on point pa rin at active meme sa social media.
Chika niya, tinanong niya ang mga kaibigan kung sinabi ba talaga niya iyon para makapag-sorry siya sa maling nagawa.
"Sinabi ko ba talaga yun? So that I can own up to it kung sinabi [ko]. Sabi ng mga friends ko, 'No, you didn't say it.' Sabi ko, ha? All this time? But you know what, it's so iconic now [that] I'm gonna own it," sey ni Anne.
Kahit na alam naman niya ang katotohanan ay inako na lang niya ito dahil sobrang iconic nito.
"Kaya nga sabi ko, you know what? It's so iconic now that I'm just gonna own it. Yeah, I said it," proud na sabi pa ni Anne.
Pagpapatuloy pa niya, "Kaya nga ang daming nag cocomment 'ay she's in her i can buy era again. It's okay, I'm not affected by it kasi I know the truth naman but yun nga sabi nga ni Erwan (Heussaff) sa akin, it's so iconic now."
Sa ngayon ay wala na raw epekto kay Anne ang naturang line na taliwas noong pumutok ang isyu na talagang nagbigay anxiety sa kanya.
"Kasi at that point, anything I would've said parang it wouldn't have mattered. Madaming nangyari sa gabing yun na hindi ko nalang sinabi kasi parang it makes no point bakit ako maglalaglag pa ng tao–– bakit pa? Okay na yun. Okay naman kasi tignan mo, bliness ako ni Lord ng bongga sa nangyari.
"Sobrang naging importante sa akin na meron kang core group. At the heat of that, talagang parang feeling mo wala ng gustong makipag friends sa'yo kasi grabe na–– it was all over. Sobrang mahalaga na yung mga friends ko–– that's when I found out who my real friends were kasi pinupuntahan nila ako," pagbabahagi ni Anne.
Muling nagbabalik ang "It's Showtime" host sa pagpepelikula ngayong buwan.
Simula February 11, mapapanood na ang "The Loved One" sa mga sinehan na pinagbibidahan nila ni Jericho Rosales.
The post Anne Curtis sa famous 'I can buy you' line: Sinabi ko ba talaga yun? appeared first on Bandera.

No comments: