Pagkamatay ni Bianca sa ‘Sang’gre’ trending; Dingdong hahataw sa Netflix

PASABOG at talaga namang marami ang na-shock sa mga latest ganap sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" ng GMA 7.
Matapos ang matapang na pagtanggi ni Terra (Bianca Umali) sa tukso ni Gargan (Tom Rodriguez), tuluyan na siyang binawian ng buhay.
Sey ng mga netizens sa mga naganap na mainitang labanan, "The best fighting scene and death scene Encantadia Chronicles has ever made."
Dagdag pa ng isang nakatutok din sa serye, "Gaya ni Sang'gre Amihan bago sya mamatay, Inialay niya ang kaniyang buhay para sa buong Encantadia.
"Naaawa nga ako kay terra ihh kasi mamamatay sya HUHU but She is the best fighter Girl."
Pahulaan din kung tuluyan na nga bang sasanib si Gaiea (Cassandra Lavarias) habang hawak naman ni Gargan ang kaluluwa ni Terra?
Hindi naman matanggap nina Adamus, Flamarra, Deia, at mga Kambal Diwa ang sinapit ni Terra sa kamay ni Gargan.
Samantala, lumalalim ang mga intriga sa Sapiro at Hathoria. Totoo nga bang may mas malaking digmaan na paparating?
Yan at marami pang ibang nakaka-shookt na maaksyon at madramang eksena ang dapat na abangan sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" sa GMA Prime.
* * *
Inilabas ng Netflix ang line-up ng mga programang dapat abangan sa streaming platform, at kabilang dito ang pinakahihintay na pagbabalik-serye ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa The Master Cutter.
Sey ng ilang Kapuso, "Nakaka-excite dahil alam mong kalidad ang projects ng isang Dingdong Dantes."
Gaganap dito si Dingdong bilang isang sastre na may kakaibang misyon, na talaga namang inaabangan ng maraming fans.
Muling makakatrabaho ni Dingdong sa serye ang direktor na si Dominic Zapata, at makakasama niya rito sina Max Collins, Sienna Stevens, Shuvee Etrata, at Jo Berry.
Mapapanood ito simula ngayong April sa GMA Prime.
The post Pagkamatay ni Bianca sa 'Sang'gre' trending; Dingdong hahataw sa Netflix appeared first on Bandera.

No comments: