BREAKING NEWS

KD Estrada sa nagpakalat na pinalitan na si Alexa: So classless at chaka

KD Estrada sa nagpakalat na pinalitan na si Alexa: So classless at chaka
KD Estrada, Alexa Ilacad at Mia Bella

BEAST mode ang Kapamilya actor-singer na si KD Estrada dahil sa nagpapakalat ng chikang pinalitan na niya si Alexa Ilacad bilang partner.

Na-bad trip si KD nang makarating sa kanya ang post ng isang netizen sa social media kung saan binigyan ng malisya ang photo nila ng co-star sa "Bagets The Musical" na si Mia Bella. 

Ibinahagi ng naturang social media user sa X ang screenshot mula sa TikTok livestream ni Mia kung saan makikita ang dalaga na katabi si KD sa loob isang room.

Isa lamang itong casual BTS o behind-the-scenes moment pero nag-trending nga dahil sa caption na inilagay ng nag-upload. Tinag pa niya rito sina KD at Alexa.

"Ito na pala bago ni @kdestrada_?? @alexailacad kawawang alx (broken heart emoji)," ang mababasa sa post.

Sa comments section ng post, sumagot nga si KD at binasag ang malisyosong netizen. Hirit ng binata, "Nag-livestream lang ang castmate ko sa Bagets and tinutok niya lang yung camera sa'kin? ano ang issue?" 

Aniya, walang karapatan ang kahit na sino na gumawa ng malisyosong kuwento tungkol sa personal life ng mga celebrity. 

"Wag kayong magsalita na para bang alam niyo ang buhay namin dahil wala naman kayong alam talaga. 

"Higit pa kayo sa mga writer na gumagawa ng mga kwento. so classless at chaka," sabi ni KD.  

Isang netizen naman ang rumesbak kay KD na nagsabing mahilig ding mag-post ng hate comments laban kay Alexa ang fandom ng aktor na Kaydets.

"Gawain din naman iyan ng kaydets mo kay Alexa mas malala pa nga naransan nya sana mapagsabihan mo rin. nandiyan magbasa ka diyan kung gaano kabastos yung solids mo lalo na yung romcom," sey ng netizen. 

Sagot ni KD sa kanya, "Again, hindi ko itotolerate KAHIT SINO man yan. kung sino makakabasa neto, alahanin kung ano ang ibig sabihin ng boundaries. pati ako may limits. fan o hindi.

"Para sa lahat ng mga naghahate-speech diyan, lalo na sa mga nagha-harass sa mga taong mahal ko. this is your warning," post pa ni KD.  

Ipinagtanggol naman ng ilang KDLex fans ang binata at hinangaan ang pagtatanggol niya sa tambalan nila ni Alexa. 

"Don't mind them, KD! No need to explain sa mga ganyan ka babaw na mga basher. Walang magawa sa buhay nila yan kaya buhay ng iba pinapakialaman," sey ng isang fan.

Komento ng isa pa, "I'll be here for you and Alexa no matter what they say, hayaan mo yang mga mahilig gumawa ng issue, they're not happy with their lives."

The post KD Estrada sa nagpakalat na pinalitan na si Alexa: So classless at chaka appeared first on Bandera.


KD Estrada sa nagpakalat na pinalitan na si Alexa: So classless at chaka KD Estrada sa nagpakalat na pinalitan na si Alexa: So classless at chaka Reviewed by pinoyako on February 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close