Lala Sotto sa ilang isyu ng MTRCB: All programs are very well-behaved!

PALAGING bukas ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pakikipag-dialogue kung may isyu na kailangang ayusin at itama.
Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto, napakalaking tulong sa trabaho at responsibilidad ng ahensiya ang pagkakaroon ng open communication sa lahat ng sektor na may kinalaman sa telebisyon at pelikula.
Kung hindi kami nagkakamali, nakailang meeting na rin ang MTRCB sa ilang TV and movie production nitong mga nagdaang buwan, kabilang na riyan ang seryeng "FPJ's Batang Quiapo" ni Coco Martin at "Pinoy Big Brother."
Sey ni Chair Lala, "Lagi talaga, oo. Lagi namang may dialogue. Akala agad nila parang…iba ang dating.
"PBB, we had a dialogue with the PBB also. We're very much concerned because the girls, yung cast na girls sa PBB, they expressed how offended they were (sa mga jokes ng male housemates).
"So we just wanted to ensure with the production that they are observing the Safe Spaces Act.
"That it should be a safe environment for the girls. Because imagine they're stuck in one house for a certain period of time.
"So, gusto lang naming i-ensure na safe talaga yung working environment for them, because that's where they're living. Maayos naman, nagkaayos din," ani Chair Lala.
Hirit pa niya, "All programs are very well-behaved. Ha-hahaha! Lately. I'm so thankful! Alam na nila ang gagawin nila, e. Kasi, wala namang perfect na program, especially yung mga live shows.
"And they immediately apologize on air. So that's a very big factor for the MTRCB. Lalo na hindi mo naman kontrol.
"Yeah, hindi talaga kontrol ng host and that's the best the host can do and I admire them for that," dagdag pa ng anak ni Sen. Tito Sotto.
Wala na raw dialogue kung nag-apologize na agad ang mga host kapag may mga hindi inaasahang pangyayari sa show.
"Hindi, hindi na. Lalo na hindi naman host ang may sala or may ginawa or may sinabing mali yung iniinterbyu ang guest, yung contestant," aniya pa.
Samantala, kinumpirma rin ni Chair Lala na hindi lang mga entertainment show ang napapatawag ng MTRCB kundi pati na sports events na may live coverage sa TV, lalo na kapag may mga nagmumura.
"Yes, napapatawag din sila. And they're very apologetic and cooperative naman. Minsan naiintindihan din natin. Dala ng bugso ng damdamin. Pero apologetic sila and cooperative.
"Nagiging okay talaga kaya I'm so happy, kasi behaved talaga lahat," sey pa ni Chair Lala.
The post Lala Sotto sa ilang isyu ng MTRCB: All programs are very well-behaved! appeared first on Bandera.

No comments: