BREAKING NEWS

Nic Chien pinabulaan cheating issue ang dahilan ng paghihiwalay ng magulang

Nic Chien pinabulaan cheating issue ang dahilan ng paghihiwalay ng magulang

NAGBIGAY linaw si Nic Chien patungkol sa mga kumakalat na espekulasyon tungkol sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang na sina Lea Salonga at Robert Chien.

Sa kanyang panayam sa "Rated Korina" noong Lunes, February 2, sinabi niyang maayos ang naging paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

"My parents are on very good terms. My dad never cheated on my mom, number one," saad ni Nic.

Giit pa niya, sa kabila ng paghihiwalay ay nananatili pa ring magkaibigan ang mga ito.

Baka Bet Mo: Transman Nic Chien umaming bisexual din, nagkakagusto sa babae't lalaki

Chika ni Nic, nakikita at nararamdaman niyang mahal pa rin nina Lea at Robert ang isa't-isa bilang magkaibigan at magulang niya.

Bukod pa rito, naiintindihan naman daw niya ang desisyon ng dalawa na maghiwalay.

"And they love each other, but they don't love each other romantically; they care about each other very much, and they both love me very much. They can both pursue a relationship, and it's totally fine with me," sabi pa ni Nic.

Kinumpirma rin niya na may bago nang karelasyon ang kanyang ama at masaya ito sa piling ng bagong partner.

"My dad is with another woman. A very lovely woman, she is my stepmother and I love her very much. But that doesn't mean I'm betraying my mom. I love my mom more, of course, because she is my biological mom," sey pa ni Nic.

Matatandaang noong January 2026 nang aminin ni Lea sa publiko ang paghihiwalay nila ni Robert.

Walang sinabi ang Broadway singer kung kailan sila eksaktong naghiwalay maging ang dahilan sa likod nito.

Ikinasal sina Lea at Robert sa Cathedral of Our Lady of the Angels sa Los Angeles, California, noong January 10, 2007.

The post Nic Chien pinabulaan cheating issue ang dahilan ng paghihiwalay ng magulang appeared first on Bandera.


Nic Chien pinabulaan cheating issue ang dahilan ng paghihiwalay ng magulang Nic Chien pinabulaan cheating issue ang dahilan ng paghihiwalay ng magulang Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close