BREAKING NEWS

Barbie Imperial hindi nagsisising ipinagtanggol ang sarili sa blind item

Barbie Imperial hindi nagsisising ipinagtanggol ang sarili sa blind item

SA part two ng panayam ni Barbie Imperial sa "Ogie Diaz Inspires" ay napag-usapan ang pag-angkin niya sa blind item tungkol sa aktres na binigyan ng bahay sa South ng negosyante.

Nag-post kasi si Barbie ng perspective house design na ipapagawa niya sa Bicol na matagal na niyang pangarap at nagkataong ilang minuto lang ang pagitan ay naglabas naman ng blind item ang isang website na aktres na binigyan nga ng bahay.

Unang tanong ni Ogie ay bakit sa Bicol magpapagawa si Barbie.

"Unang-una po hindi kaya ng budget dito sa Manila ha, ha, ha,  Naisip ko po sa Bicol kasi pangarap ko po talagang magkabahay na sarili ko po talaga. Mayroon po kaming bahay doon na binili ko para kay mama sa kanya na po 'yun, pero ako tito eversince pangarap ko tapos may swimming pool tapos may second floor," bungad ng dalaga.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial super love ni Annabelle Rama, hindi totoong maldita

Inamin ng Kapamilya star na nagkaisip siya na wala silang sariling bahay mag-iina at palipat-lipat sila kaya pangako niya sa sarili na kapag nagkapera siya ay magpapagawa siya ng bahay nilang mag-iina.

Sinuwerteng napasama si Barbie sa "Pinoy Big Brother: 737" noong 2015 at ang tawag aa kanya ay The Doll along the Riles of Albay.

At pagkalipas ng mahabang panahon ay nakaipon na si Barbie para sa dream house niya kaya mega reak siya sa blind item na hindi naman dapat.

Katwiran ni Barbie, "alam mo tito nu'ng 2026 kasi ipinangako ko sa sarili ko na hindi puwedeng hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko ever.  Kasi po ang tagal-tagal kong na-bash. 

"At 'yung time na 'yun (lumabas ang blind item) ang dami pong nagta-tag sa akin, ang daming nagse-sent sa akin at 'yung comments actually pangalan ko at kaka-post ko lang po tito kaya sumama 'yung loob ko na parang maging happy naman kayo para sa tao, di ba?  Nagpapabahay tapos may ganu'n blind item?

"Kaya dinefend ko po ang sarili ko at nag-message rin po ako sa Radar.ph nang maayos po and honestly po wala po akong problema sa kanila alam ko po na ginagawa lang po nila ang trabaho nila, but 'yung time na 'yun I have to defend myself tito kasi pinaghirapan ko 'yun, pera ko 'yun lahat!  Wala naman po sigurong masama kung ide-defend ko ang sarili ko.

"Ang dami pong nagsasabing (netizens) na ako 'yun kasi ako 'yung kaka-post lang and honestly tito ayoko lang magtuluy-tuloy 'yung blind item at gusto ko nang itigil na hindi ako 'yan.  'Yun lang po ang gusto kong mangyari that time."

Payo ni Ogie, "alam mo pag blind item whether it's true or not di ka dapat mag-react, hind imo dapat akuin 'yung blind item!"

"Opo, next time hindi na po," tumawang sabi ng aktres,

Tanong pa ni Barbie, "sino po ba kasi 'yun, ha, ha, ha. Hindi kami ganu'n level ni Chard (Richard Gutierrez) na bahay-bahay (ang binibigay), regalo lang.

"Hindi po ako nagsisisi na nag-react ako kasi nakita ko rin 'yung comment ng ibang tao na ipinagtatanggol nila ako siguro sa next time po hindi na lang ako papatol.  Bawal pala, 'yun pala ang rules n'yo (media at content creator) ha, ha, ha.  So, kayo puwedeng mag blind item pero bawal sumagot?"paliwanag ng tisay na aktres.

"Umaray ka kasi maraming nagta-tag sa iyo," diin ni Ogie.

Detalyeng ikinuwento ni Barbie kung paano niya nabili ang lupang titirikan ng dream house niya.

"Nu'ng 2022 po buhay pa ang lola ko, pinsan ng lolo ko si Lola Pepita Imperial marami siyang lupa sa Bikol, so, binentahan niya ako ng lupa na 400 square meters palang no'ng time na 'yun kasi 'yun palang ang kaya kong bayaran.

"Tapos 2024 sabi ko, 'lola may ipon na ako ulit, puwede ko bang bilhin 'yung katabi?  Kasi magkatabi lang, so, 600 (sqm) ata 'yung pangalawang nabili ko, so pinag-isa ko na lang 'yung dalawang lote at pina-register ko na isa na lang.

"Yung pinsan ko po, si Architect Tricia Marbella kababata ko po talaga as in growing up gumagawa ako ng assignment tapos siya college naggagawa ng plates (graphic plates) ako high school, so gabi-gabi kaming ganu'n palagi ko siyang nakikitang gumagawa ng plates ako naman homework ko.

"Ang dream namin noong bata kami, siya ang architect ako ang engineer tulad ng tatay ko kaso kailangan kong mag-artista no'n, so naging artist ana nga ako,"balik-tanaw ng aktres.

Aminadong sobrang tipid ni Barbie at hindi siya namimili ng hindi naman niya kailangan.

"Lahat po ng ginagastos ko ayoko ng kung saan-saan lang saka never ako nag-travel kasi 'yung ita-travel ko ilalagay ko dito sa dream house ko," sabi nito.

At kaya siya nagkakaron ng bagong gamit ay dahil mahilig daw magregalo ang boyfriend niyang si Richard at hindi rin siya nagta-travel.

"E, si Richard nu'ng nagkakilala kami travel nang travel.  Yung kita ko po ini-invest ko, nagne-negosyo po ako, matalino ako sap era tito kasi ayaw kong dumating 'yung panahon na wala akong mapupuntahan kapag babae ka importante may pera ka para kapag gusto mong iwanan 'yung sitwasyon kaya mo kasi may pera ka.

"Anyway, 'yung bahay ko po tito sobrang smart kung paano ko po nabuo 'yun, kasi diniscountan ako ng malaki ng lola ko, tapos ang achitect ko pinsan ko na sobrang close ko, marami akong sponsors Boysen pintura, ultimo inidoro, mga stove, aircon.  "Sabi ko nga bakit ang semento hindi nag-sponsor ang semento sayang 'yun ang pinakamahal," kuwento ni Barbie.

Si Richard na ba ang end game ni Barbie?

"Gusto ko pong maging honest parati ko pong sinasabi ito noon sa mga naging boyfriends ko noon na lagi akong ina-ask sabi ko lagi 'oo' e, wala naman na sila ngayon (lahat).

"Kaya ayaw kong magsalita na ngayon about it if ibibigay siya ni God then okay, if hindi okay din basta ang pinaka-importante is grabe 'yung growth ko with Richard as in nag-mature talaga ako tito sa mga desisyon ko sa buhay expecially 'yung think first bago ako magsalita kasi dati pag alam kong tama ako, enough na 'yun para i-defend ko ang sarili ko,"paliwanag ng aktres.

The post Barbie Imperial hindi nagsisising ipinagtanggol ang sarili sa blind item appeared first on Bandera.


Barbie Imperial hindi nagsisising ipinagtanggol ang sarili sa blind item Barbie Imperial hindi nagsisising ipinagtanggol ang sarili sa blind item Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close