BTS comeback sa Netflix: Live performance at eksklusibong docu film

ARMY, markahan na ang inyong kalendaryo!
Malapit na kasi ang inaabangang comeback ng K-Pop kings na BTS sa Gwanghwamun Square sa Seoul, South Korea.
Mapapanood 'yan nang live mismo sa Netflix sa darating na March 21, 7:00 p.m. (Philippine time).
Ipagdidiwang nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook ang paglabas ng kanilang bagong album na "Arirang" sa pamamagitan ng "BTS The Comeback Live | Arirang."
Baka Bet Mo: Ryan Bang ka-level ang BTS, Blackpink sa Top 10 Global Image Influencers
"Netflix has partnered with HYBE to bring the pop royalty back to the stage for this unprecedented, historic worldwide comeback event. BTS members RM, Jin, SUGA, j-hope, Jimin, V, and Jung Kook reunite on the global stage for the first time," sey ng streaming giant sa isang press release.
Mapapanood sa live stream ang BTS na nagpe-perform ng mga kanta mula sa "Arirang," kasabay ng mga nakakamanghang tanawin ng makasaysayang Gwanghwamun Square, na naglalarawan ng pagbabalik ng grupo sa kanilang pinagmulan.
Alam mo ba na ang Gwanghwamun Square ay isang makasaysayang landmark sa Seoul.
Dito matatagpuan ang water fountain na itinayo bilang parangal kay Admiral Yi Sun-sin, na nakipaglaban sa 23 laban gamit ang 12 warships laban sa mga Hapon noong ika-16 na siglo.
Malapit din ito sa sikat na Gyeongbokgung Palace.
Hindi lang 'yan mga ka-BANDERA, Ilalabas din sa Netflix ang documentary film na "BTS: The Return" sa March 27, na tungkol sa paghahanda ng grupo para sa "Arirang."
Pinamumunuan ito ni Bao Nguyen at produced ng HYBE at This Machine.
Ayon sa streaming giant, ipapakita nito ang "unprecedented access" sa comeback ng BTS matapos nilang tapusin ang kanilang mandatory military service.
"As millions of fans await the comeback of the decade, BTS confronts quieter questions: how to begin again, how to honor the past without being bound by it, and how to move forward together," dagdag pa nila.
"Through moments of doubt, laughter, and rediscovery, they create new music that reflects who they are now—culminating in what will become a landmark album of its time. Intimate, emotional, and often joyful, 'BTS: The Return' is a story [they only] can tell: a portrait of resilience, brotherhood, and reinvention," paliwanag ng Netflix.
Ang BTS ay handa nang bumalik sa music scene sa kanilang fifth studio album na "Arirang" sa March 20.
May 14 tracks ang album na nagpapakita ng tunay na pagkatao ng grupo at ng kanilang journey.
At para sa mga Pinoy ARMY, good news! Kasama ang Manila sa kanilang world tour, kaya abangan ang BTS sa ating bansa!
The post BTS comeback sa Netflix: Live performance at eksklusibong docu film appeared first on Bandera.

No comments: