Bretman Rock nag-donate ng P550-K sa dating paaralan, ibinulsa ng principal?

INAMIN ng Filipino-American social media star na si Bretman Rock na nag-donate siya ng mahigit kalahating milyon o P550,000 para sa kanyang dating ospital noong elementary.
Sa isang podcast ay ibinahagi ng internet sensation ang patungkol sa kanyang dating paaralan sa Cagayan na Sanchez Mira West Central Elementary School kung saan nag-donate siya ng mahigit kalahating milyon.
Kuwento ni Bretman, diretso niya itong ipinadala sa principal ng naturang paaralan na ginawan pa niya ng ad sa isang brand.
"I did an ad for Remitly where I donated half a million pesos to the elementary school that I went to when I was growing up in the Philippines," panimula ng kilalang personalidad.
Baka Bet Mo: Bretman Rock imbyerna kay Vanessa Hudgens: I don't like her
Ngunit marami raw aa mga faculty member ang tila nagtataka at hindi aware sa naturang donasyon ni Bretman at may nag-message pa sa kanya.
Kaya naman agad siyang nag-reach put sa kanyang pinsan na isa ring guro sa naturang paaralan.
"A lot of the associates, the teachers, are like, 'Where is the money? Why aren't you telling us about it?'" sabi pa ni Bretman.
Aniya, maging ang kanyang ina ay nangialam na at sinabihan ang pinsan niyang nais nitong kausapin ang principal.
Naging maayos naman ang lahat patungkol sa donasyon matapos ang pakikisali ng ina ni Bretman sa isyu.
Wala naman nang iba pang detalyeng binanggit tungkol rito.
Bukas naman ang BANDERA para sa panig kh mga taong sangkot sa isyu.
The post Bretman Rock nag-donate ng P550-K sa dating paaralan, ibinulsa ng principal? appeared first on Bandera.

No comments: