BREAKING NEWS

Barbie, Sarah walang ‘bad blood’: ‘Nag-smile naman kami sa isa’t-isa!’

Barbie, Sarah walang 'bad blood': 'Nag-smile naman kami sa isa't-isa!'
Barbie Imperial, Sarah Lahbati

NILINAW ng aktres na si Barbie Imperial na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Sarah Lahbati.

Ito ay sa gitna ng walang humpay na espekulasyon online na inuugnay siya sa hiwalayan nina Sarah at Richard Gutierrez.

Sa panayam niya kamakailan kay showbiz reporter Ogie Diaz, iginiit ni Barbie na wala siyang kinalaman sa breakup ng mag-asawa.

"'Yung dalawa share 11 beautiful years, kung netizen ka, magtataka ka rin. Pero kung ano man po 'yung naging rason ng hiwalayan nilang dalawa, masasabi ko po at alam ng Diyos po na hindi po ako 'yun," sambit ni Barbie.

Baka Bet Mo: Barbie Imperial super love ni Annabelle Rama, hindi totoong maldita

Dagdag pa ng aktres, "Kung ano man po 'yun syempre hindi ko po istorya 'yun, respeto ko po 'yun kay Sarah at Richard, at sa dalawa po nilang anak."

Ayon pa kay Barbie, makikita sa kilos umano ni Sarah ang patunay na walang namumuong alitan sa pagitan nila.

"Feeling ko kung inagaw ko talaga si Richard kay Sarah magagalit talaga siya sakin. May sasabihin siya about me. Babae siya. Kung ako rin inagawan, ipo-post ko. Pero si Sarah naman alam niya kung ano 'yung reason so kapag nagkikita kami sa Aivee, nag-smile naman kami sa isa't-isa," chika niya kay Ogie.

Inamin din ng 27-anyos na aktres na labis siyang naapektuhan ng matinding pambabatikos kaugnay ng relasyon nila ni Richard, hanggang sa puntong naapektuhan ang kanyang mental health.

"Pinaka malalang bashing sakin itong relationship ko with Chard. Dito po 'yung medyo na-depress talaga ako," pag-amin niya.

Patuloy pa ni Barbie, "Hindi po ako makapagsalita nung time na 'yun kasi syempre ayoko rin po makakuha ng reaction from Sarah. Ayoko po magtriggeran po kami. Tsaka hindi po ito simpleng relasyon na kami kami lang, may mga batang maapektuhan. Ayoko rin po mag-iba 'yung tingin ng mga bata sakin."

Ibinahagi rin ni Barbie na maganda ang relasyon niya sa dalawang anak nina Richard at Sarah na sina Zion at Kai, pati na rin sa ina ng aktor na si Annabelle Rama.

"Maayos po sila napalaki ni Chard and ni Sarah. Sobrang mabait po 'yung mga bata. Sobrang marespeto," saad niya.

Matatandaang mula pa noong unang bahagi ng 2024 ay nali-link na sina Barbie at Richard, at nitong nakaraang buwan lamang nila opisyal na kinumpirma na sila ay nagde-date na.

Mapapanood naman ang dalawa sa paparating na action drama na "Blood vs Duty," tampok din sina Gerald Anderson, Bela Padilla, at Baron Geisler. 

The post Barbie, Sarah walang 'bad blood': 'Nag-smile naman kami sa isa't-isa!' appeared first on Bandera.


Barbie, Sarah walang ‘bad blood’: ‘Nag-smile naman kami sa isa’t-isa!’ Barbie, Sarah walang ‘bad blood’: ‘Nag-smile naman kami sa isa’t-isa!’ Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close