BREAKING NEWS

‘Ang Kaliitan ng Kasalukuyan’ ng UP ibabandera ang buhay, sakripisyo ng OFWs

'Ang Kaliitan ng Kasalukuyan' ng UP ibabandera ang buhay, sakripisyo ng OFWs
PHOTO: Courtesy of Dulaang UP

PARA sa maraming Pinoy, ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi biro, lalo na't milyon-milyong OFWs ang naiiwan sa ilang taon ng sakripisyo para sa pamilya. 

Kahirapan sa homesickness, loneliness, kultura, wika, at minsan ay diskriminasyon ang nagiging bahagi ng kanilang araw-araw. 

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, tuloy ang laban para sa kinabukasan ng pamilya na nasa Pilipinas.

Tinaguriang "modern day heroes" ng bansa, malaking bahagi ng ekonomiya ang kinikita nila. 

Baka Bet Mo: 'Spring Awakening' ibinandera na ang buong cast ng musical

Pero kahit na may remittances na pumapasok, hindi pa rin ganap na nararamdaman ng lahat ang pagbabago sa kalidad ng buhay sa bansa.

Normal na para sa mga pamilya na magpaalam sa mga mahal sa buhay sa airport tuwing Pasko at Bagong Taon, dala ang mga Duty Free goods. 

Bago umalis, pinapahalagahan nila ang bawat sandali sa pamilya sa pamamagitan ng kasiyahan, kwentuhan, at nostalgia walks.

Pag-alis naman, dala nila ang alaala at bagong kwento para samahan sila sa ibang bansa.

Ngunit kahit na maraming pelikula, balita, at social media ang nagku-kwento ng buhay OFWs, kulang pa rin ang ganitong usapin.

Dito pumapasok ang Dulaang Unibersidad ng Pilipinas (DUP) sa kanilang bagong produksyon na pinagamatang "Ang Kaliitan ng Kasalukuyan." 

Isinulat at idinirek ito ni Arlo Deguzman, multi-awarded playwright at Artistic Director ng DUP, na dati ring OFW sa halos dalawang dekada at limampung bansa. 

"Written from a place of diasporic experience, the piece is a powerful and contemporary work that tackles the emotional landscape of and an ode to our OFWs," sey ni Deguzman sa isang pahayag.

Ibabandera ng dula ang emosyonal na laban ng bawat OFW at kanilang pamilya, kabilang na ang "a father's frustration from unending remittances, a mother seeking to make the sacrifice worthwhile, a sister negotiating the promise of separation, and a son bearing the silence of a deafening burden."

Saad pa, "DUP invites us to contemplate on our origins and bids for connection and home."

Sa pamamagitan ng dula, mararamdaman ng manonood ang pangungulila at sakripisyo, OFW ka man o hindi.

Marami rin sa cast at crew ang dati o kasalukuyang OFW, o nag-iisip maging isa. 

Kaya siguradong may kwento sa dula na talaga namang makaka-relate sa bawat manonood.

Sa kabila ng lumalalang tensyon sa mundo, umaasa ang Dulaang UP na ligtas ang bawat OFW at balang araw ay mamumuhay tayo sa sariling bayan nang may dignidad at katarungan. 

"Ultimately, for that time where all Filipinos are happy at home, without needing to leave, could come," dagdag pa nila.

Ang "Ang Kaliitan ng Kasalukuyan" ay ipapalabas sa darting na March 12 hanggang 29 sa IBG-KAL Theater, UP Diliman, tuwing Huwebes at Biyernes ng 7:30 p.m., at may weekends din ng 2:30 p.m. at 7:30 p.m.

Ang regular price ng tickets ay nasa P1,000; P800 sa mga PWD, senior citizens, at Non-UP students; P650 naman para sa UP Community.

Mabibili na 'yan sa website na ito: https://bit.ly/AngKaliitanNgKasalukuyan2026

Paalala lang na hindi pwedeng pagsamahin ang discounts o promos.

The post 'Ang Kaliitan ng Kasalukuyan' ng UP ibabandera ang buhay, sakripisyo ng OFWs appeared first on Bandera.


‘Ang Kaliitan ng Kasalukuyan’ ng UP ibabandera ang buhay, sakripisyo ng OFWs ‘Ang Kaliitan ng Kasalukuyan’ ng UP ibabandera ang buhay, sakripisyo ng OFWs Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close