Diwata muling naaresto dahil sa business violations, walang natanggap na subpoena?

EMOSYONAL ang social media personality na si Diwata o si Deo Balbuena sa totoong buhay matapos siyang muling maaresto dahil sa isyu sa kanyang negosyo.
Sa kanyang TikTok page ay ibinahagi niya na grabe ang naidulot na stress sa kanya ng mga pangyayari.
"Guys, wala akong tulog simula ng isang araw. Nakulong ako. Yes, totoo, nakulong ako. Bakit?
May warrant na naman ako. Hindi man lang ako nakatanggap ng subpoena, may warrant na agad," pagbabahagi ni Diwata.
Pagpapatuloy pa niya, isang ahensya ng gobyerno ang nagreklamo laban sa kanya.
Baka Bet Mo: Diwata nakulong matapos mabiktima ng identity theft; napaiyak sa show ni Tulfo
"Tungkol ito sa negosyo, paresan […] Ako naman hindi ako mahirap kausap. Nakakalungkot lang. Ganyan ang nangyari. Pwede namang ayusin kung may pagkakamali ako pero bakit warrant agad? Tsaka hindi naman ako big time na negosyante," lahad pa ni Diwata.
Aniya, hinuli raw siya ng alas-sais ng gabi at magdamag siyang nakakulong.
"Ang laki ng bail. Nasa 60,000 yung bail na pinagpiyansa ko. Di ba? Grabe! Ang hirap maging Pilipino. Lumalaban ka naman ng patas, hindi ka naman namemerwisyo. Dumidiskarte ka sa sarili mo para mabuhay ka pero bakit? Bakit ganun?" sey pa ni Diwata.
Hindi rin daw niya pwedeng ikuwento ang lahat dahil may hearing pa siya hinggil sa reklamo.
Hiling pa ni Diwata, tulungan siya sa kinakaharap na problema dahil madali naman siyang kausap at willing mag-comply kung anuman ang kinakailangan.
The post Diwata muling naaresto dahil sa business violations, walang natanggap na subpoena? appeared first on Bandera.

No comments: