BREAKING NEWS

PBBM walang balak sipain si Tourism Sec. Frasco – Palasyo

PBBM walang balak sipain si Tourism Sec. Frasco - Palasyo

WALANG pag-uusap sa Malakanyang ukol sa pagpapatalsik sa puwesto kay Tourism Secretary Christina Frasco.

"As of now, wala pong pinag-uusapan na ganyan," sabi ni Palace Press Officer Claire Castro.

Ginawa ni Castro ang paglilinaw matapos umugong na papalitan na si Frasco ni  Philippine Sports Commission (PSC) Chairperson Patrick Gregorio.

Baka Bet Mo: Christina Frasco sa DOT promo materials issue: I'm simply working

Ang diumano'y planong pagsibak kay Castro ay nag-ugat sa mga kaliwa't kanan na batikos sa kanya dahil sa pagbalandra ng kanyang mukha sa "promotional materials" ng Department of Tourism (DOT).

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Frasco na ginamit ang kanyang retrato sa promo materials ng hindi niya alam.

Ipinag-utos na niya ang pagtanggal sa lahat ng promo materials na nagtatampok ng kanyang mukha.

The post PBBM walang balak sipain si Tourism Sec. Frasco – Palasyo appeared first on Bandera.


PBBM walang balak sipain si Tourism Sec. Frasco – Palasyo PBBM walang balak sipain si Tourism Sec. Frasco – Palasyo Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close