NCSC pinoproseso na P100K na hindi pa natatanggap ng mahigit 100-anyos na Aeta

INAAYOS na ng National Commission on Senior Citizen (NCSC) ang agarang pagbibigay ng centenarian cash aid para sa apat na Aeta na hindi pa nakakatanggap ng ₱100,000 benepisyo.
Ito ay sa kabila ng nasa mahigit 100 taong gulang na sila.
Para sa mga hindi aware, naging trending sa social media ang naturang Aeta dahil sa kabila ng pag-abot nito sa edad 100 ay wala man lang itong natanggap na benepisyo mula sa NCSC.
Base sa mga reports, ang isa sa kanila ay 102 years old na at nagsilbi ring sundalo noong panahon ng Philippine-American war.
Baka Bet Mo: Vivamax star Sahara proud Aeta, tatay binuking: Dati siyang transwoman
Agad namang nagbigay ng P100,000 na tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos itong mag-viral.
Ayon sa ahensya, matagal na raw na wala sa kanila ang programa dahil nalipat na ito sa NCSC.
Matatandaang ayon sa batas, makakatanggap na dapat ng tig-P10,000 ang mga Pilipinong tumuntong ng milestone age mula edad 80, 85, 90 at 95 taon gulang.
Habang P100k naman ang matatanggap kapag tumuntong na sa edad 100 taong gulang.
Sa ngayon ay ipinag-utos na ng NCSC ang pag-releasd ng P100k ng apat na Aetang hindi pa natatanggap ang kanilang benepisyo dahil sa paglipat ng programa mula sa DSWD papunta sa kanilang ahensya.
The post NCSC pinoproseso na P100K na hindi pa natatanggap ng mahigit 100-anyos na Aeta appeared first on Bandera.

No comments: