BREAKING NEWS

Big boss ng TV network tinanggihan ng kilalang producer sa alok na collab

Big boss ng TV network tinanggihan ng kilalang producer sa alok na collab
Guess, guess who!?

ISANG big boss ng network na laging nilalapitan at hinihingan ng tulong ang nakaranas ma-turn down sa inalok niyang collaboration sa kilalang producer ng pelikula at series.

Hangang-hanga kasi ang big boss ng network sa producer bukod pa sa magagandang feedback na ipinararating sa kanya ng kanyang mga espiya.

Kaya naman na-excite siyang alukin ang produ na gumawa sila ng project together pero laking gulat nito nang tinanggihan siya.

Expected ng big boss ng network na okay na at looking forward na siya kung kailan sila magsisimulang mag-collab ng producer pero laking gulat niya na malutong na "No" ang sagot.

Pero humingi naman ng dispensa ang nasabing producer at sinabing  may mga gagawin pa siyang project kaya hindi niya matatanggap ang alok na collab.

Bukod dito ay mas gusto ng producer ng pelikula at series na magtrabaho ng solo at ayaw niya ng may ka-collab dahil hindi naman kailangan lalo't may sapat siyang budget.

Sitsit ng aming katsika, "Yung iba kaya nakiki-collab kapag kapos sa budget, di ba? Hahanap sila ng alam nilang puwede nilang makasosyo para sa mga ipo-produce nilang shows.  

"Saka hindi gusto ni ____ (producer ng pelikula at series) ang ilang taong kasama ng big boss ng network, ang mangyayari pareho sila ng level, e, wala naman ambag sa project," sabi ng aming source.

Napahanga kami ng producer ng pelikula at series dahil hindi siya nagpasilaw sa alok ng big boss ng network kahit pa nagbaba ito ng budget na nakakalula.

* * *

Pinangunahan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin ng dalawang bagong Board Members noong Lunes, Pebrero 9, 2026, sa MTRCB Liezl Martinez Hall, Quezon City.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sina Sarah-Ingrid Aurelia B. Sia at Atty. Jerico A. Antonio kapalit nina Mark Anthony Andaya at Glenn Patricio na parehong natapos na ang termino sa panunungkulan.

Alinsunod sa Section 2 (Composition; Qualifications; Benefits) ng Presidential Decree No. 1986, ang mga miyembro ng MTRCB ay manunungkulan ng isang taon, pero puwedeng maitalaga muli matapos ang kanilang termino.

Batay sa kanilang appointment na nilagdaan ng Pangulo noong Enero 30, sina Sia at Antonio ay manunungkulan hanggang Setyembre 30, 2026. 

Malawak ang karanasan ni Sia sa marketing, financial planning at organizational operations, bukod sa kanyang kaalaman sa treasury product marketing na sumasaklaw sa cash management, foreign exchange at investment solutions.

Si Antonio ay isang aktor at producer sa pelikula at telebisyon at isa ring miyembro ng Philippine Bar na may matibay na akademikong pundasyon at pormal na kasanayan sa larangan ng batas.

Tiwala si Sotto sa propesyonalismo ng mga bagong Board Member, at binigyang-diin ang mahalagang ambag ng mga ito sa mandato at misyon ng Ahensiya.

"Ang kanilang propesyonal na karanasan, integridad at mga bagong pananaw ay lalo pang magpapatibay sa pangako ng MTRCB na isulong ang responsableng panonood," ani Sotto.

Pinasalamatan din niya sina Andaya at Patricio sa kanilang tapat na paglilingkod sa publiko, "Malaki ang naging ambag nila sa pagsusulong ng ating misyon, at hangad natin ang kanilang patuloy na tagumpay sa mga susunod nilang gawain."

The post Big boss ng TV network tinanggihan ng kilalang producer sa alok na collab appeared first on Bandera.


Big boss ng TV network tinanggihan ng kilalang producer sa alok na collab Big boss ng TV network tinanggihan ng kilalang producer sa alok na collab Reviewed by pinoyako on February 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close