BREAKING NEWS

‘Dear mali ka!’ Karen Davila nag-sorry sa TV Patrol blooper! 

'Dear mali ka!' Karen Davila nag-sorry sa TV Patrol blooper! 
Karen Davila

LAUGH nang laugh ang madlang pipol sa nakakaaliw na blooper ng veteran broadcast journalist na si Karen Davila sa "TV Patrol".

Nangyari ito kagabi, February 10, sa live telecast ng Kapamilya primetime news program kung saan nagkamali si Karen sa nasabing pangalan ng reporter na mag-uulat.

Tungkol sa pagrereklamo ng working student laban sa 10 pulis mula Angono, Rizal matapos umano siyang ilegal na arestuhin at pagnakawan ang ibabalita.

Pero sa halip na "Karen De Guzman" ay ang pangalan niya ang kanyang nabanggit. Aniya, "Nagpapatrol, Karen Davila… ay! Karen De Guzman!" 

Kasunod nito, nag-post si Karen sa kanyang X account at humingi ng paumanhin. "OMG… ay… Karen De Guzman! Apologies," sey ng TV host.

Nagbahagi rin siya ng isang video at nag-explain sa kanyang blooper, "Alam mo 'yong para ka nang… automatic na 'yong utak mo, my gosh… Karen De Guzman!"

Naloka at natawa rin ang mga netizen sa slight na pagkakamali ni Karen. Narito ang ilang nabasa naming reaksiyon.

"Dear mali ka! Ha-hahaha!"

"Sorry po kung inulit ko pero super havey."

"Hahahahahahaha ang cute ni Miss Karen."

"Hanggang ngayon di ko na naiintindihan yung news dahil tawang tawa pa rin ako."

"Kaya pa mam? @iamkarendavila HAHAHAHAHA! Pag si Karen De Guzman field reporter bigay niyo kay Ate B or kay Alvin. Haha. Karen na kasi tapos D pa yung last name. Ang cute niyo po. 'Nagpapatrol, Karen Davila.' – Karen Davila."

Um-agree naman si Karen sa nabanggit na comment, "Exactly!"

The post 'Dear mali ka!' Karen Davila nag-sorry sa TV Patrol blooper!  appeared first on Bandera.


‘Dear mali ka!’ Karen Davila nag-sorry sa TV Patrol blooper!  ‘Dear mali ka!’ Karen Davila nag-sorry sa TV Patrol blooper!  Reviewed by pinoyako on February 10, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close