CNY 2026: Maswerteng kulay, prutas, lafang sa Year of the Fire Horse

PLANO n'yo bang pumasok at sumugal sa negosyo ngayong 2026? O, baka naman like n'yo nang magka-baby this year ng iyong partner in life?
Well, ngayong 2026 Chinese New Year (Year of the Fire Horse), may mga nakatakdang swertehin at meron din namang mga taong magiging not-so-lucky sa life or career.
Sa exclusive interview ng BANDERA sa feng shui expert na si Master Hanz Cua, inisa-isa niya ang mga pampaswerte ngayong Year of the Fire Horse at kung paano kokontrahin ang kamalasan.
BABY HORSE
"Hindi nawawala na pampaswerte sa atin, siyempre, 'yung horse. Alam n'yo ba ang horse is one of the most auspicious lucky symbol.
"Auspicious pa rin, Baby Horse ay also swerte. Kung kayo po ay nagpaplano mag-anak, huwag lang Year of the Rat si Mommy o si Daddy, any other signs ay lucky to have Baby Horse.
"Dahil ang Horse na baby ay nagdadala ng victory at success sa ating bahay. So kung wala namang pang-Baby Horse, na matanda na o hindi na makapag-baby ang mag-asawa, mag-display ng Horse.
"Ilagay 'yan sa south direction ng bahay, living room, o ng iyong opisina. Bilhin n'yo 'yung Horse na 'yan para ma-bless ni Master Hanz."
LUCKY COLOR
Patuloy niya, "Punta naman tayo sa kulay. Alam n'yo ba, dahil missing element ang kulay, ang tubig, ang water element which is the blue color is the lucky color for 2026 natin.
"So blue, tubig – ay water element, the missing element. Ito po ay magdadala ng swerte sa ating buhay," sabi ni Master Hanz.
MASWERTENG PRUTAS AT LAFANG
"Pag-usapan naman natin ang mga lucky na pagkain. Paparating na February 17, ang Chinese New Year. Ano nga ba ang dapat ihanda sa hapagkainan natin?
"Twelve kinds, 12 klaseng prutas to signify 12 buwan sa isang taon na masagana. Hindi nawawala diyan ang pinya. Alam mo, kapag pumunta kayo sa Chinatown, may makikitang mga papel na pinya.
"Bakit nga ba may pinya? 'Yung pinya kasi in Chinese, we call it as 'ong lai'. Ang ibig sabihin nu'n ay pinya. 'Ong' is prosperity, 'Lai' is to come.
"So ang paghahanda ng pinya sa hapagkainan sa February 16, 17 ay magdadala ng swerte, pera."
"Pakwan. Bilog ang pakwan. Master Hanz, may buto na itim pwede po ba? Kahit ano pang kulay ng buto ng pakwan mo, may seed o walang seed ay swerte.
"Melon. Master Hanz, dapat po ba bilog? Hindi naman po. Saging, nagsi-signify ang saging na sama-sama ang buong pamilya.
"Ay Master hanz, pwede po ba ang durian? May tusok-tusok 'yun, pwede ba 'yun? Pwede po. Any kind of prutas. Chico kung may mahanap kayo, guyabano, guava, strawberry, ubas, mangga, lahat ng klaseng prutas. 12 kinds of different fruits ay swerte.
"Meron ba dapat hindi ihanda na prutas? Kahit anong prutas basta labindalawang klase to signify 12 buwan sa isang taong masagana," saad pa ng feng shui consultant.
"Siyempre lucky food pa rin tayo. Nandoon po 'yung mga noodles. Noodles o pancit para long life. Huwag niyo po puputulin.
"Also hindi nawawala ang tikoy. Alam mo pag may tikoy, malagkit daw ang samahan ng all family members.
"So tikoy ay swerte also. Importante sa mga lucky foods natin ay sama-sama ang buong pamilya sa pagsalubong sa Chinese New Year," ang pahayag pa ni Master Hanz.
The post CNY 2026: Maswerteng kulay, prutas, lafang sa Year of the Fire Horse appeared first on Bandera.

No comments: