Nahuling ambulance driver jebs na jebs na kaya nag-EDSA busway?

TINATAWAG na raw ng kalikasan ang nahuling ambulance driver ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) kaya napilitan itong pumasok sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) busway.
Ayon sa naging panayam ng ambulance driver ng Barangay Moonwalk, Parañaque Citysa media nang mahuli siya nitong Huwebes, February 5, sinabi niyang nadudumo na siya kaya naisipan niyang pumasok sa bus lane sa EDSA Santolan Southbound.
"Tawag lang ng kalikasan kaya pumasok na ako [sa EDSA busway], e," pagsisimula ng ambulance driver.
Dagdag pa niya, "So papaano na kung dito ako naano?"
Baka Bet Mo:
Bandera IG
Aware naman daw ang ambulance driver na bawal dumaan sa bus lane ang isang ambulansya lalo na kung wala namang sakay na pasyente ngunit nagkataon lang na talagang nadudumi na siya.
Nakiusap rin ito na sa mga awtoridad na kung maaari ay gumamit muna siya ng palikuran.
Ngunit tila hindi nakalusot sa SAICT ang kanyang radon at natikitan ng Disregarding Traffic Sign (DTS).
"Sir, ang violation n'yo po, kung ano po ang talagang nilalagay namin [ay] talagang violation po, e. Disregarding Traffic Sign po passing to busway," ayon sa awtoridad.
Hiling pa ng driver, "Mayroon naman pong dahilan kung bakit pumasok sa bus lane. Baka naman po, konsiderasyon lang po, sir."
Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paggamit ng ambulansya ng bus lane lalo na kung wala itong sakay na pasyente.
Maaaring magmulta ang sinumang lalabag rito ng halagang ₱5,000 sa unang paglabag at maaaring matanggalan ng lisensya kung masusundan pa.
The post Nahuling ambulance driver jebs na jebs na kaya nag-EDSA busway? appeared first on Bandera.

No comments: