BREAKING NEWS

Mikee Quintos, Paul Salas spotted together, may comeback kaya?

MAY chance kaya na magkaroon pa ng comeback ang pag-iibigan ng ex-celebrity couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas?

Ito ang tanong ng mga netizens matapos maispatan ang dalawa na magkasama sa naganap na bachelor's party ng Kapuso artist na si Mikoy Morales.

Si Mikoy ay ang bestfriend ni Mikee at naging kaibigan na rin ni Paul.

At dahil nga nalalapit na rin ang kasal ng Kapuso actor ay naganap na ang bachelor's party nito na ginanap sa isang resort sa Bulacan.

Baka Bet Mo: Mikee Quintos ibinandera graduation photo, binalikan college journey

Bukod kay Mikee at Paul, present rin ang ilan pa nilang kaibigan gaya nina Ruru Madrid at Chariz Solomon.

Mukha namang walang masamang tinapay sa pagitan ng dalawa dahil maayos naman at all smiles pa sila sa naturang larawan.

Matatandaang noong April 2025 nang kumpirmahin ni Mikee sa kanyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" na hiwalay na sila ni Paul matapos ang ilang taong pagsasama.

Paglilinaw niya, walang sangkot na third party sa kanilang paghihiwalay.

The post Mikee Quintos, Paul Salas spotted together, may comeback kaya? appeared first on Bandera.


Mikee Quintos, Paul Salas spotted together, may comeback kaya? Mikee Quintos, Paul Salas spotted together, may comeback kaya? Reviewed by pinoyako on February 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close