BREAKING NEWS

Jack Argota nakatanggap ng ‘subpoena’ mula sa NBI

Jack Argota nakatanggap ng 'subpoena' mula sa NBI

NAKATANGGAP ang vlogger at social media personality na si Jack Argota ng subpoena mula umano sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni NBI Acting Director Lito Magno kung saan maaari daw mapadalhan ng subpoena ang content creator kaugnay sa kanyang pagpapakalat umano ng pekeng medical record ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Nitong Huwebes, February 5, ibinahagi ni Argota ang kanyang pag-aabang sa pagdating ng kopya ng subpoena."May SUBPOENA nako! Sa wakas dumating din haha!" saad ni Sir Jack sa kaniyang post.

Kasunod niyo ay ang kanyang pasasalamat sa NBI matapos nitong ipadala nang direkta sa kanyang bahay ang naturang subpoena.

Baka Bet Mo: Sir Jack Argota kay Tuesday Vargas: Kapag laos na, mag-vlogger na lang

"Salamat National Bureau of Investigation sa paghatid dito sa bahay, may maikling kwentuhan at tawanan haha! See you mga Boss! #SirJackNBISubpoena," dagdag pa ni Sir Jack.Sa hiwalay na Facebook post nito ring Huwebes, Pebrero 5, sinabi rin ng social media personality na karapatan umano niya na malaman kung sino ang nag-file ng naturang subpoena dahil aniya, aabalahin daw siya nito.Sey ni Sir Jack, "Nagbigay nga ng Subpoena pero walang nakalagay kung sino nag file? Karapatan ko naman siguro malaman yun kasi aabalahin nila ako tapos walang pangalan na nakalagay kung sino?

"Trippers yarn? Anyway haharapin ko yan nang in good faith, puro katotohanan lang ang sasabihin ko jan. Beysik!"

Matatandaang naglabas ng pahayag ang Malacañang na gusto nilang maimbestigahan ang pagkalat ng mga maling impormasyon at umano'y medical report ng presidente.

"Dapat lang, dapat lang tingnan ito dahil na po biro ang biruin ang kondisyon [ng] kalusugan ng Pangulo. Kaya po ang [National Bureau of Investigation] NBI, alam po natin na mabilis umaksyon ang NBI, para maimbestigahan kung sino po ang nasa likod nito," sabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa ginanap na press briefing ng PCO noong Huwebes, January 29.

The post Jack Argota nakatanggap ng 'subpoena' mula sa NBI appeared first on Bandera.


Jack Argota nakatanggap ng ‘subpoena’ mula sa NBI Jack Argota nakatanggap ng ‘subpoena’ mula sa NBI Reviewed by pinoyako on February 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close