BREAKING NEWS

Allen Ansay nag-propose kay Sofia Pablo, magka-date sa Valentines

Allen Ansay nag-propose kay Sofia Pablo, magka-date sa Valentines

NAGPASABOG ng saya at kilig ang Kapuso Stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa kanilang sweet performance nang mag-guest sa "TiktoClock".

Ngunit bukod sa nakakakilig na performance ay hindi kinaya ng kanilang supporters ang pa-surprise ng binata na isang Valentine's date proposal.

Matapos kasing abutan ng bulaklak ni Allen si Sofia ay bigla itong lumuhod sa gitna ng stage habang hawak ang kanyang regalo.

"Hindi ko na ulit hahayaang mawala ka ulit sa akin, Aki. Will you be my Valentine date?" tanong ni Allen.

Baka Bet Mo: Sofia Pablo, Allen Ansay may kakaibang magic tulad ng MarJo loveteam

Masaya namang tinanggap ni Sofia ang munting regalo sa kanya ni Allen sabay yakap sa binata.

"Allen, may tanong si Herlene (Budol) kanina. Sabi niya, 'Kumusta na ang puso nating ngayong Feb-ibig?'" usisa ni Kuya Kim Atienza.

Sagot naman ni Allen, "Grabe 'yung heartbeat, Kuya Kim. Masayang, masaya!"

Muli pang nakisaya sina Sofia sa hulaan segment na "Kapa Muks" kung saan game na game ito sa paghula sa mga bagay na inaabot sa kanila ng ibang guests.

Hindi rin napigilan na tumili ng audience nang magdikit ang mukha ng dalawa sa kalagitnaan ng paglalaro.

Sa huli, nagwagi ang team ni Sofia matapos makakuha ng mas maraming tamang hula. 

The post Allen Ansay nag-propose kay Sofia Pablo, magka-date sa Valentines appeared first on Bandera.


Allen Ansay nag-propose kay Sofia Pablo, magka-date sa Valentines Allen Ansay nag-propose kay Sofia Pablo, magka-date sa Valentines Reviewed by pinoyako on February 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close