BREAKING NEWS

Mga Pinoy sa Middle East pinag-iingat; Flights kanselado sa gitna ng tensyon

Mga Pinoy sa Middle East pinag-iingat; Flights kanselado sa gitna ng tensyon

PINAYUHAN ng ilang Philippine Embassies ang mga Pinoy sa Middle East na limitahan ang kanilang paglabas at pagbiyahe kasunod ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Ayon sa mga embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates, Kuwait, Qatar, Bahrain, Saudi Arabia, Lebanon, at Jordan, dapat maging maingat ang mga kababayan matapos bombahin ng Iran ang ilang base ng Estados Unidos bilang tugon sa pinagsamang military operation ng Amerika at Israel noong Sabado, February 28.

Nakarinig ng malalakas na pagsabog sa ilang lugar kabilang ang Abu Dhabi sa UAE, Manama sa Bahrain, at sa Kuwait. 

Agad namang nagpatunog ng sirena at naglabas ng babala ang lokal na awtoridad para sa kaligtasan ng mga residente.

Baka Bet Mo: SSS may dagdag-pensyon, pero walang dagdag-hulog hanggang 2027

Ang palitan ng air strikes sa pagitan ng Israel, US, at Iran ay itinuturing na malaking paglala ng matagal nang tensyon kaugnay sa nuclear program ng Tehran.

Ayon sa flight-tracking platform na Flightradar24, pansamantalang isinara ang airspace ng Iran, Iraq, Kuwait, Bahrain, UAE, at Qatar.

Batay sa ulat, nagpakawala ang Iran ng missile attacks sa ilang base militar kabilang ang Al Udeid Air Base sa Qatar, Al Salem Base sa Kuwait, Al Dhafra Air Base sa UAE, at US 5th Fleet Base sa Bahrain.

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang Department of Foreign Affairs. 

Hinimok ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro ang lahat ng panig na "resort immediately" sa dayalogo at negosasyon upang maiwasan ang mas malalang sigalot.

Sa ngayon, sinabi ng DFA na wala pang naitalang Pilipinong nasaktan o naapektuhan sa mga pag-atake. 

Naka-"full alert" din ang mga Embahada ng Pilipinas sa Tehran, Iran at Tel Aviv, Israel.

Dahil sa pagsasara ng airspace sa ilang bansa, sunod-sunod ang kanselasyon ng mga flight sa Middle East.

Kabilang sa mga naapektuhan ang Philippine Airlines, na nagkansela at nag-divert ng ilang biyahe dahil sa "safety and security concerns" kaugnay ng sitwasyon.

Ayon sa PAL, nakikipag-ugnayan sila sa aviation authorities, airport operators at government agencies para sa mga abiso kaugnay ng operasyon ng mga paliparan.

"We are assisting affected passengers with rebooking, rerouting, or refunds in accordance with PAL policies," pahayag ng airline.

Pinayuhan ang mga pasahero na i-check ang status ng kanilang flight sa opisyal na website, mobile app o social media accounts ng PAL bago tumuloy sa airport.

"Philippine Airlines emphasizes that we will not compromise on safety. All operational decisions are guided by authoritative risk assessments and civil aviation safety protocols," dagdag pa nito.

Samantala, patuloy na nakaantabay ang pamahalaan para sa kaligtasan ng mga Pilipino sa Middle East, habang umiigting ang sitwasyon sa rehiyon.

The post Mga Pinoy sa Middle East pinag-iingat; Flights kanselado sa gitna ng tensyon appeared first on Bandera.


Mga Pinoy sa Middle East pinag-iingat; Flights kanselado sa gitna ng tensyon Mga Pinoy sa Middle East pinag-iingat; Flights kanselado sa gitna ng tensyon Reviewed by pinoyako on February 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close