Lella Ford, Caprice Cayetano itinanghal na Big Winners ng ‘PBB Collab 2.0’

PINANGALANAN na sina Caprice Cayetano bilang Kapuso Big Winner at Lella Ford bilang Kapamilya Big Winner sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0."
Ngayong Sabado, February 28, ginanap ang Big Night sa Cross Roads, Quezon City.
Kitang-kita ang saya at pagkabigla nina Caprice at Lella matapos nilang matuklasan na sila ang nagwagi sa titulong big winners para sa latest edition ng naturang reality show.
Mukha ring hindi pa nagsi-sink in sa dalawa ang mga nangyayari pero labis ang pasasalamat nila sa lahat ng mga taong naniwala sa kanila.
Baka Bet Mo: Karla Estrada ipinagtanggol si Lella: Let's choose understanding over judgment
"Sobrang nagulat po talaga ako. Sobrang nagpapasalamat po ako kila Ms. Annette, Ms. Joy, Ms. Cory, Direk Lauren, Boss Vic. I love you all. Sobrang thank you po. Maraming maramig salamat sa mga sumuporta, " umiiyak na sabi ni Caprice.
Sey naman ni Lella, "Hindi pa rin po nagsi-sink in sa akin. Until now hindi pa rin ako makapaniwala pero maraming maraming salamat sa inyong lahat!"
Bukod kina Caprice at Lella, itinanghal rin bilang 2nd Big Placers sina Heath Jornales [Kapuso] at Krystal Mejes [Kapamilya]; 3rd Big Placers Ashley Sarmiento [Kapuso] at Joaquin Arce [Kapamilya]; at 4th Big Placers sina Miguel Vergara [Kapamilya] at Princess Aaliyah [Kapuso].
The post Lella Ford, Caprice Cayetano itinanghal na Big Winners ng 'PBB Collab 2.0' appeared first on Bandera.

No comments: