BREAKING NEWS

INC nanawagang tuldukan na ang malawakang katiwalian sa bansa

INC nanawagang tuldukan na ang malawakang katiwalian sa bansa

NANAWAGAN ang Iglesia ni Cristo (INC) sa gobyerno na tigilan na ang korapsyon sa bansa at panagutin na ang dapat na managot.

Sa ibinahaging pahayag ni INC spokesperson Bro, Edwil Zabala sa programang "Sa Ganang Mamamayan" ng NET25, sinabi niyang naghihintay sila sa tugong ng pamahalaan simula pa noong ginanap nilang "Transparency, Accountability, and Peace" rally November 16-17, 2025.

Dahil sa umano'y kakulangan ng aksyon ay muli silang nanawagan na itigil na ang korapsyon.

Saad ng INC spokesperson, "Mahigit tatlong buwan na ang lumipas subalit wala pa ring natatanaw ang mga mamamayan na kalutasan sa napakalaking pangungulimbat sa kaban ng bayan."

Baka Bet Mo: Gladys Reyes ka-join sa INC rally: 'Transparency and accountability!'

Pagpapatuloy ni Zabala, "Sa halip na mga salarin ang hanapin at usigin, ay ang mga nagbibigay ng impormasyon at tumetestigo laban sa kanila ang kinakasuhan at ginigipit.

"Kung kaya't hanggang ngayon, ay hindi pa natutunton ang sinasabing mahigit na isang trilyong piso na inilaan sa mga flood control projects at iba pang pagawaing-bayan."

Gaya ng ibang Pilipino, hangad rin ng INC na sana ay matapos na ang lahat ng korapsyon.

"Sapagkat, ang hinahanap ng mga dapat na mag-imbestiga ay ang mga pangyayaring maaaring magamit para mailihis ng iba't ibang isyu ang problemang ito. Hinihintay ng mga Pilipino ang sinasabi ng Senate Blue Ribbon Committee Chairman na 'We will go where the evidence leads us'.

"Ngayong may mga lumalabas na pahayag mula sa mga sangkot, kabilang ang umano'y nagpadala ng male-maletang pera, at kamakailan lamang ay pinatunayan iyan ng mga dating sundalo na umaming sila ang naghatid ng mga ito. Bakit tila walang malinaw na hakbang upang palawakin pa at tapusin ang imbestigasyon."

Kinuwestiyon rin ng INC spokesperson kung ano pa ba ang ebidensya na hinihintay ng mga nasa puwesto upang mapanagot na ang mga dapat managot sa nagaganap na katiwalian sa bansa.

"Anong ebidensya pa kaya ang hinihintay para seryosohing tuntunin ang mga mastermind sa katiwaliang ito. May mga pahayag din ang paglitaw ng mga dating sundalo na bahagi ng isang destabilization plot. Kung gayon ang paratang, hindi ba lalong dapat imbestigahan sapagkat ang destabilisasyon laban sa gobyerno ay isang seryosong usapin ukol sa pambansang seguridad."

Dagdag pa niya, mali raw na isiping nakalilimoy ang mga Pilipino sa isyung ito dahil ang pondong pinag-uusapan ay mula sa pagsisikap ng taumbayan.

"Ang aming panawagan ay nananatiling malinaw: Ilantad ang buong katotohanan, papanagutin ang dapat managot, at pairalin ang katarungan, upang maibalik ang tiwala ng taumbayan at maitaguyod ang tunay at pangmatagalang kapayapaan at pagsulong ng Pilipinas," pagtatapos ng INC spokesperson.

The post INC nanawagang tuldukan na ang malawakang katiwalian sa bansa appeared first on Bandera.


INC nanawagang tuldukan na ang malawakang katiwalian sa bansa INC nanawagang tuldukan na ang malawakang katiwalian sa bansa Reviewed by pinoyako on February 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close