Lala Sotto umaming ‘kalaban’ ang tingin ng ilang taga-showbiz sa MTRCB

IN FAIRNESS, hindi na masyadong "kontrabida" ang image ngayon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa entertainment industry.
May mga pagkakataon kasi na kalaban ang tingin ng ilang mga taga-industriya ng pelikula at telebisyon sa pamunuan ng MTRCB, lalo na kapag may napapatawan ng "parusa" sa lumalabag sa mga umiiral na batas.
"Hindi na masyado. Iyon talaga ang tingin nila sa amin. Pero kami, alam namin dito sa loob, na kami ay allies.
"But hindi naman maiiwasan to feel that way and, you know, everybody's entitled to think what they want to. So, we're just doing our job," ang pahayag ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio.
Nakachikahan namin si Chair Lala nang mag-courtesy call ang officers and members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa MTRCB nitong nagdaang February 4.
Samantala, napagsama-sama rin ng MTRCB sa isang infomercial ang kanilang stakeholders, kabilang na ang mga producers, kilalang celebrities at ang First Family.
"I think really, it's important to really work together. And encourage again the Filipino families to go back to the cinemas and enjoy that communal experience with their loved ones," aniya pa.
Sa tanong kung may kapangyarihan ba silang amiyendahan ang by-laws ng MTRCB, "We have the power to make a few changes in the IRR [Implementing Rules and Regulations] siguro.
"By the memorandum circulars. But we cannot change the law. Kinakailangan ng amendment to the charter.
"We don't have that power. That power belongs solely to the House of Representatives and the Senate to be approved by the President.
"Kung may gustong baguhin, ginagawa lang namin sa abot ng aming makakaya. Nagpapasa kami ng mga memorandum circular and board resolutions.
"Pero yung talagang pakikialaman ang batas? Hindi puwede. Kinakailangan ng amendment to the charter," sabi ni Lala.
Maaari bang i-abolish ang MTRCB sakaling may manawagan hinggil dito? "Puwede naman kung papasa both sa Congress and Senate at aaprubahan ng Presidente," sagot ni Chair Lala.
"Kailangan both Senate and Congress ang magpapasa ng bill. It's really up to them," dagdag niya.
Ang Senate President ngayon ay ang tatay niyang si Sen. Tito Sotto.
The post Lala Sotto umaming 'kalaban' ang tingin ng ilang taga-showbiz sa MTRCB appeared first on Bandera.

No comments: