BREAKING NEWS

Jodi Sta. Maria nakumpleto na ang pag-ikot sa 7 continent ng mundo 

Jodi Sta. Maria nakumpleto na ang pag-ikot sa 7 continent ng mundo 
Jodi Sta. Maria at Thirdy Lacson

MAPAPA-SANA all ka na lang sa bonggang-bonggang achievement ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria na na-explore na ang seven continent mundo.

Sa kanyang Instagram Reel, makikita ang pagbabakasyon at paglalamiyerda ni Jodi sa napakaraming bansa nitong mga nagdaang taon, kasama ang anak na si Thirdy Lacson.

Nakapaglakbay ang premyadong aktres across Asia, Oceania, North America, South America, Europe, Africa, and Antarctica – na bumubuo nga sa pitong kontinente ng mundo.

"This little girl once prayed, I hope I get to travel all seven continents. She believed, she kept going, and she did," ang simulang pagbabahagi ni Jodi.

Siniguro rin ng aktres na sa bawat continent na pinuntahan ay nabibisita niya ang mga markadong tourist destination doon base na rin sa mga ipinost niyang photos. 

Mensahe pa niya sa madlang pipol, "To the dreamer reading this: If your dreams feel far right now, it's okay. Let them be. No need to rush…only to believe.

"May you one day stand in the places you once only imagined. Literally and figuratively," dagdag na pahayag ng aktres.

Nagbabahagi rin si Jodi ng ilang impormasyon sa bawat bansang binisita niya para mabigyan ng idea ang kanyang mga followers kung ano ang maaari nilang abangan sakaling gusto rin nilang puntahan ang mga ito.

Bukod sa pagpo-promote ng ibang bansa, nag-a-upload din si Jodi ng mga video sa kanyang YouTube channel para ipakita ang mga tourist destinations ng Pilipinas. Sinigurado niyang i-promote din ang kagandahan ng sarili niyang bansa.

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng kanyang mga followers ang post ni Jodi at narito ang ilan sa kanilang comments.

"You're living the dream po, really an inspiration! Exploring all 7 continents is such a powerful life goal. Sooo proud of you po, Ate Jods."

"You are one of the people that inspired me to travel more! Today is my birthday and I chose to travel and not to eat out and it was the best! Always proud of you, ate Jods."

"So brave and inspiring, Ate Jodi. Dahil sa inyo, mas na-eencourage po akong mangarap at mag-travel din. Super proud po ako sa inyo!"

"That is awesome Ms. Jodi!!! CONGRATULATIONS on completing this dream/goal and THANK YOU for always sharing your adventures with us!!!"

The post Jodi Sta. Maria nakumpleto na ang pag-ikot sa 7 continent ng mundo  appeared first on Bandera.


Jodi Sta. Maria nakumpleto na ang pag-ikot sa 7 continent ng mundo  Jodi Sta. Maria nakumpleto na ang pag-ikot sa 7 continent ng mundo  Reviewed by pinoyako on February 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close