BREAKING NEWS

Bakit mas pinili ni Ruby Rodriguez na iwan ang Pinas at manirahan sa US? 

Bakit mas pinili ni Ruby Rodriguez na iwan ang Pinas at manirahan sa US? 
Ruby Rodriguez at AJ

MAS inisip at binigyang-halaga ng TV host at komedyanteng si Ruby Rodriguez ang kalusugan at kapakanan ng kanyang anak kesa sa kanyang showbiz career.

Ito ang major-major reason kung bakit nagdesisyon siyang manirahan na lamang sa Amerika at iwan ang magandang trabaho niya dito sa Pilipinas bilang host at artista.

Ayon kay Ruby, mas naging matimbang sa kanya ang mabigyan ng maayos at magandang medical treatment ang kanyang anak na si AJ na may special needs.

"I left 2021. It's for my son kasi nga he is being treated here (sa Amerika) for a rare autoimmune (condition). 

"And then let's face it mas maganda ang special education dito because my son's also special, he has intellectual disability. 

"So dito 'yung school nila talagang tututukan nila, and they have a special school and they are all special students," pahayag ni Ruby sa interview ni Luchi Cruz-Valdes sa sa YouTube channel nito. 

Sey pa ng komedyana at dating Dabarkads sa "Eat Bulaga", matagal na rin silang pabalik-balik noon sa US dahil sa pagpapagamot ni AJ kaya nang magkaroon siya ng chance nag-decide na siya na doon na manirahan para hindi na sila mahirapan sa pag-alis at pag-uwi ng Pilipinas.

Married si Ruby sa isang Filipino with American citizenship kaya naging madali rin para sa kanila ang mag-move sa US kung saan nakahanap din siya ng maayos na trabaho.

Nagwo-work siya ngayon sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California. 

"I planned it, 2018 pa lang we were deciding already to move. 2019 came and then I said in the 2018 that I was planning, I said I don't want to go to the US na wala akong trabaho," aniya.

At dahil college graduate naman, nag-apply siya US consulate, "I applied and sent everything, do the exams, interviews, lahat, and then I passed. So they got me 2019. 

"They know the real reason why I was moving. I told them, tapusin ko lang po 'yung school ni AJ sa Philippines kasi matatapos na siya March or April. Sabi, okay and then nagka-COVID," pagbabahagi pa ni Ruby.

Pagsapit ng 2021, nakaalis siya ng bansa at mula noon ay nanatili na s US ang kanyang pamilya.

Sa tanong kung nahirapan ba siya sa pag-adjust sa buhay niya sa Amerika, "At first, it was like, oh I'm all alone. But then it's fun because I have a lot of friends, all my family's here, like I said I traveled back forth so sanay.

"And then it's like you are very, very independent dito. Ang nakakapanibago is like hindi ako marunong magluto so kailangan matuto ka.

"Asawa ko magaling magluto, okay lang. Akin na ang grocery and all," saad pa ni Ruby.

The post Bakit mas pinili ni Ruby Rodriguez na iwan ang Pinas at manirahan sa US?  appeared first on Bandera.


Bakit mas pinili ni Ruby Rodriguez na iwan ang Pinas at manirahan sa US?  Bakit mas pinili ni Ruby Rodriguez na iwan ang Pinas at manirahan sa US?  Reviewed by pinoyako on February 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close