Mark Herras kinaawaan: ‘Sana kunin siya ni Coco sa Batang Quiapo’

NAAWA ang mga netizens pati na ng mga kapwa niya celebrities kay Kapuso actor-dancer na si Mark Herras kasabay ng pag-viral ng kanyang "crying video."
Mapapanood sa naturang Instagram reel si Mark na parang balisa at dumaraan sa matinding pagsubok. Sa isang bahagi ng video ay makikita nga ang napakasakit niyang pag-iyak.
Maraming espekulasyon ang naglalabasan ngayon patungkol sa nakaaalarmang video ng aktor, kabilang na umano ang problema nila ng asawang si Nicole Donesa.
May mga nagsasabi naman na hirap na hirap daw ngayon si Mark sa usaping pera dahil sa kawalan ng regular na trabaho lalo pa't may binabayaran pa silang bahay.
Sa comments section ng ipinost na artikulo ng BANDERA hinggil sa crying video ni Mark, marami ang nagbigay ng reaksyon at halos lahat ay nakisimpatya sa kanya.
Narito ang ilan sa komento ng ating mga ka-BANDERA."Sana bigyan si Mark ng project sa GMA. May mga dance challenge naman sila bat ayaw isali si Mark hamak na mas magaling naman sya pagdating sa dance floor."
"Dapat mga artista me ibang source of income bukod sa pag aartista para if Walang project di nganga."
"Sana maipasok ni Coco si Mark sa Batang Quiapo."
"Maiiyak ka talaga kapag wala Kang pera."
"Sa dance floor ikaw ang hari,kaya mo yn kung ano mn pinagdadaanan mo.pray k lng kay lord god,ibigay mo lahat s kanya ang bigat ng nararamdaman mo tutulungan k nya .wag mawalan ng pagasa may anak kang kailangan ang suporta at pagmamahal mo .remember god is good all the time. pray lng."
"Wala bang work ang wife niya? Nakita ko sa Youtube noong bagong gawa ang maganda at nilang bahay, ngayon wala na akong balita sa kanya."
"He needs a Manager para maibaik yung premium nya, nag self manage kasi sya kaya lahat ng raket tinagap nya basta may sweldo which is wala naman masama kaya lang kasi pag artista dapat namimili ng raket for premium lalo na si Mark Herras kilala pa din naman sya kahit di na ganun ka sikat."
"Ok lng yan mark basta ur not sick mdmk jan cancer na nalaban E pdadaanan mo lng yan lilipas din lyt a candle n pray be strong luv tayo ni God our father he will not abandoned U cheer up n smile Hugs I'm ur fren."
"Normal lang yan lalo na Kong ganitong wala syang project tas may pamilyang binubuhay syempre."
"Kaya ang hirap maging artista kc pag hindi kana sikat wala kana rin project kc laos na kaya dapat maging maingat sila sa pera habang sikat pa ipon lang ng ipon."
"Pde k nmn mag Zumba instructor kung Wala PNG project ganyan tlga Ang buhay Pana panahon kaya matutong mag impok."
The post Mark Herras kinaawaan: 'Sana kunin siya ni Coco sa Batang Quiapo' appeared first on Bandera.

No comments: