BREAKING NEWS

Jillian Ward may pa-clue kung sino ang mystery ‘big guy’

Jillian Ward may pa-clue kung sino ang mystery 'big guy'

NAGLABAS ng mga "clues" ang Kapuso actress na si Jillian Ward patungkol sa kung sino ang kasama niyang mystery "big guy" sa kanyang viral TikTok video.

Sa kanyang naging panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, February 3, ikinuwento niyang bored lang siya talaga nang i-shoot nila ang naturang TikTok video.

Chika pa ni Jillian, ilang take rin ang kanilang inabot dahil ayaw niyang magkaroon ng bakas kung sinuman ang kanyang kasamang lalaki.

Ngunit sa kabila nito ay nausisa pa rin siya kung sina ang kasama kaya nagbigay ito ng clue.

Baka Bet Mo: Jillian Ward pasabog, 'big guy' sa viral video manliligaw pala

"Nasa showbiz siya pero hindi lang showbiz 'yong ginagawa niya. Kumbaga hindi lang siya public figure, may iba pa po siyang skill," saad ni Jillian.

Ngunit nang tanungin siga kung taga-GMA Network rin ba abg lalaki ay pinili ng dalaga na huwag na itong sagutin.

Matatandaang nilinaw na ni Jillian na ang kasamang mystery big guy ay hindi niya boyfriend ngunito ito ay nanliligaw umano sa kanya.

Maraming hula ang mga netizens kung sino ito at maging si Emman Bacosa Pacquiao ay nadamay ngunit itinanggi naman ng binata na siya ang kasama ng aktres sa viral TikTok video.

The post Jillian Ward may pa-clue kung sino ang mystery 'big guy' appeared first on Bandera.


Jillian Ward may pa-clue kung sino ang mystery ‘big guy’ Jillian Ward may pa-clue kung sino ang mystery ‘big guy’ Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close