Vinz Jimenez nakatanggap ng subpoena mula sa NBI: Hindi ako uurong!

MULI na namang umingay ang pangalan ng social media personality na si Vinz Jimenez matapos niyang isiwalat na nakaranggap na siya ng letter of subpoena mula sa National Bureau of Investigation.
Ito ay kaugnay sa nag-viral niyang post sa umano'y "panloloko" sa kanya ng nililigawan niya na inilantad niya sa social media.
Lahad ni Vinz, "I already moved forward at this issue, wala ka ng kahit anong narinig o nakitang post ko about sayo. dinelete ko agad yung post 2days after and hindi na sinegundahan pa ng kahit ano.
"Kahit na nagpost kapa ng dalawang video on new year's eve regarding sa issue hindi ko na pinatulan kahit puro kasinungalingan din naman yun."
Baka Bet Mo: Vinz Jimenez walang pagsisisi sa pag-expose sa cheating dyowa, pero…
Ani Vinz, nag-chat pa siya sa babaeng kanyang in-expose at sinabing puro kasinungalingan ang mga sinasabi nito.
"Gusto pa sana kitang patulan dahil marami pa akong resibo dito sa mga sinasabi mo sa video, pero enough na, ayoko talaga ng drama minotivate lang talaga ako ng ugali mo para ipost yun.
"All I want is sincere na sorry mo then may narinig ka paba? Pinagdasal pa kita. Hindi na kita pinatulan at nag-move on na ako totally dun kahit wala kang reply," chika pa ni Vinz.
Ngunit ngayong naghain ito ng kaso ng cyberlibel laban sa kanya ay hindi niya ito uurungan.
"At kung ngayon ka maghahain ng kaso, hindi ako uurong. Gusto mo ulit ng ingay, haharapin ko lahat yan.
"I have my attorneys, i have evidences and proofs. And i can also file a complain against you. Papanindigan ko tong laban na to," sey pa ni Vinz.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag na inilalabas mula sa panig ng babaeng sangkot sa isyu.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw at pahayag ng bawat kampo sa naturang kontrobersiya.
The post Vinz Jimenez nakatanggap ng subpoena mula sa NBI: Hindi ako uurong! appeared first on Bandera.

No comments: