BREAKING NEWS

Sanggol patay matapos isilid ng sariling tatay sa loob ng bag 

Sanggol patay matapos isilid ng sariling tatay sa loob ng bag 
Stock Photo

PATAY na ang isang buwang gulang na sanggol nang matagpuan ng mga otoridad na nakalagay sa loob ng isang bag.

Arestado ang 20-anyos na tatay ng nasawing batang babae matapos magsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO).

Batay sa inisyal na imbestigasyon, patay na ang sanggol nang matagpuan ng mga pulis sa loob ng boarding house na inuupahan ng suspek sa Barangay Cugman.

Sa ulat, hiniram umano ng suspek ang bata sa nanay nito na residente ng Balingasag, Misamis Oriental, para ipakilala raw sa kanyang mga magulang.

Ngunit nag-alala na ang ina ng bata nang tawagan niya ang suspek at hindi na makontak. Dito na siya humingi siya ng tulong sa pulisya.

Sabi ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) spokesperson Emilita Simon, nadiskubre ang labi ng sanggol sa loob ng isang asul na bag na may kasamang mga diaper.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang totoong sanhi ng pagkamatay ng sanggol.

Ngunit ayon sa ulat, inamin ng suspek na siya ang pumatay sa bata dahil natakot umamong malaman ng kanyang magulang na nakabuntis siya at baka mapatigil sa pag-aaral.

The post Sanggol patay matapos isilid ng sariling tatay sa loob ng bag  appeared first on Bandera.


Sanggol patay matapos isilid ng sariling tatay sa loob ng bag  Sanggol patay matapos isilid ng sariling tatay sa loob ng bag  Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close