BREAKING NEWS

Ina ni Maloi Ricalde kilig much sa pasabog na collab ng BINI, SexBomb 

Ina ni Maloi Ricalde kilig much sa pasabog na collab ng BINI, SexBomb 
Maggie Ricalde, BINI Maloi at Rochelle Pangilinan

KILIG na kilig ang nanay ni BINI Maloi na si Maggie Ricalde sa bonggang-bonggang collaboration ng Nation's Girl Group at ng iconic SexBomb Girls.

Nangyari ang pagsasanib-pwersa ng BINI at SexBomb Dancers sa matagumpay na "rAWnd 3 Get Get Aw" concert nitong nagdaang February 6.

Nag-post si Maggie sa social media ng litrato ni Maloi at ng leader ng SexBomb Girls na si Rochelle Pangilinan habang humahataw sa stage.

"With my fave sex bomb dancer fave rochel and daughter bini maloi, kinilig ang mama, lagi kung pinsasayaw si maloi noong bata pa sya ng spagetti pababa spagetti pataas," ang sabi ni Maggie sa kanyang caption.

Aniya pa, "Sa galing nman ni maloi sumayaw nyan, 3 yrs old plang sya, who would have thought na mkakasama nya in the same stage ang sex bomb, mama is so happy."

Na-shock at tuwang-tuwa ang mga nanood ng concert nang biglang umentra ang BINI sa stage ng SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.

Kinanta ng grupo ang iconic novelty song ng SexBomb Girls na "Halukay Ube" habang nakipaghatawan nga ang SB sa hit songs ng BINI na "Salamin, Salamin" at "Pantropiko." 

Mensahe ni Rochelle after ng kanilang performance, "Sexbomb noon, BINI ngayon. Pero linawin namin na hindi ito kompetisyon. Pare-pareho lang kaming babaeng nangangarap at nagsusumikap na nagmamahal sa musika at sayaw."

Sa isang panayam sinabi ni Rochelle na talagang kinarir nila ang reunion concert ng SexBomb dahil na rin sa pagiging BINI fan ng kanyang anak.

"Alam mo po ba, sa totoo lang, ang anak namin ang isa sa mga dahilan kung bakit isa ako sa nag-push ng concert kasi sobrang fan si Shiloh ng BINI. So, ngayon kinakanta niya," aniya. 

Sabi naman ni SexBomb Jopay sa isang interview noon, "Sobrang proud ako sa BINI noong nagkaroon sila ng hype talaga. Kasi bibihira lang talagang magkaroon ng P-Pop dito. So kung sakali makakasayaw namin sila, bakit hindi? Nakakatuwa 'yun."

The post Ina ni Maloi Ricalde kilig much sa pasabog na collab ng BINI, SexBomb  appeared first on Bandera.


Ina ni Maloi Ricalde kilig much sa pasabog na collab ng BINI, SexBomb  Ina ni Maloi Ricalde kilig much sa pasabog na collab ng BINI, SexBomb  Reviewed by pinoyako on February 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close