BREAKING NEWS

Aira Bermudez naaksidente sa SexBomb concert: Pero babangon at lalaban! 

Aira Bermudez naaksidente sa SexBomb concert: Pero babangon at lalaban! 
Aira Bermudez

NAALARMA ang mga kaibigan at fans ni SexBomb Aira Bermudez sa nangyaring aksidente habang nagpe-perform sa kanilang "rAWnd 4" reunion concert.

Nakaranas ng slight accident si Aira habang isinagawa ang buwis-buhay na performance sa matagumpay na dance concert ng SexBomb Girls.

Base sa mga video na napanood namin sa social media, makikitang tila nangudngod si Aira sa sahig ng stage matapos mabitiwan umano ng isa sa mga back-up dancer.

May post din ang isa pa sa mga miyembro ng SexBomb na si Sugar Mercado tungkol sa nangyari kay Aira. Nagkaroon ng surprise appearance si Sugar sa nasabing concert kasama ang isa pang SB OG na si Izzy Trazona.

"Accident always happened. Praying for your speedy recovery Kapatid Aira Bermudez- Inovero. Di ka pababayaan in Lord," ang nakasaad sa post ni Sugar.

Kasunod nito, nagbahagi ng mensahe sa kanyang Facebook page si Aira ngayong araw, February 8, at nagbigay ng update sa nangyari sa kanya.

"Keep moving forward," aniya sa post.

"Bumagsak man ako kagabi at naaksidente pero babangon at lalaban tayo ngayon.

"I'm okay, nothing serious happened and I'm ready. The show must go on! See you later!

"Hindi ako pinalaki ng SexBomb para bumawi— pinalaki ako para LUMABAN," ang sabi pa ni Aira na mukhang tutuloy pa rin sa "rAWnd 5" ng kanilang concert ngayong gabi.

The post Aira Bermudez naaksidente sa SexBomb concert: Pero babangon at lalaban!  appeared first on Bandera.


Aira Bermudez naaksidente sa SexBomb concert: Pero babangon at lalaban!  Aira Bermudez naaksidente sa SexBomb concert: Pero babangon at lalaban!  Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close