BREAKING NEWS

Chito Miranda 50 na, ibinandera topless body: Wala akong regrets! 

Chito Miranda 50 na, ibinandera topless body: Wala akong regrets! 
Chito Miranda at Neri Miranda kasama ang kanilang mga anak

SUPER flex ng hubad niyang katawan ang Parokya ni Edgar lead vocalist na si Chito Miranda bilang bahagi ng kanyang 50th birthday celebration.

Nag-post ang OPM icon ng kanyang topless body sa Facebook nitong nagdaang Sabado, February 7, kalakip ang mensahe ngayong singkuwentahin na ang edad niya.

"Nu'ng bata ako, feeling ko ang tanda-tanda na ng 50. Tipong lolo ka na," simulang pagbabahagi ni Chito.

Aniya pa, ganu'n din daw ang pakiramdam niya noong mag-30 at mag-40 siya.

"When my uncle turned 40, we were like, 'Tan*in*a, ang tanda mo na. Grabe.' Tapos tawanan kami kasi di kami makapaniwala parang joke talaga na sobrang tanda na niya.

"Ngayon, 50 na 'ko.

"Honestly, feeling ko nasa college pa rin ako, trying my best to act like an adult… trying my best to eat healthy, to provide and take care of my family, and just trying my best to be responsible," ang simulang caption ni Chito sa kanyang post.

Dugtong pa ng singer-somgwriter, "Actually, I don't mind being old. Siguro dahil kuntento ako sa buhay. Wala akong regrets, at sobrang na-enjoy ko yung biyahe (kahit magulo minsan), kaya masaya ako kung nasaan ako ngayon."

Nagpasalamat din siya kanyang wais na misis na si Neri Miranda, pati na sa tatlo nilang anak, na siyang nagbibigay ng tunay na kahulugan ng kaligayahan sa kanyang buhay.

"I have a beautiful wife who takes care of me (na parang siya pa yung naka-jackpot sa akin), and I have three wonderful children na sobrang bait at nakakatawa (kahit minsan super kulit).

"I enjoy my job… partying with my childhood friends, nerds pretending to be rockstars, getting paid more than we deserve just to travel, have fun, and still have time to pick my kids up from school.

"I'm healthy and happy. Wala akong boss kundi si God at ang asawa ko, and I'm in a position in life where ang priority ko na lang ay ang kaligayahan, kalusugan, at kapakanan ng pamilya ko.… and that makes everything in life super simple.

"Kaya for my birthday, wala na akong hihilingin pa," ang buong birthday message ni Chito.

The post Chito Miranda 50 na, ibinandera topless body: Wala akong regrets!  appeared first on Bandera.


Chito Miranda 50 na, ibinandera topless body: Wala akong regrets!  Chito Miranda 50 na, ibinandera topless body: Wala akong regrets!  Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close