EXCLUSIVE: Gab Cabangon kilalanin mula banda, solo career, pagmamahal sa OPM

MULA high school pa lang, halata na sa puso ni Gab Cabangon ang musika.
Ayon sa kanya, gusto na niyang maging gigging artist at mag-record ng sarili niyang kanta kahit bata pa.
"I always loved music nu'ng highschool pa lang eh…Kahit hindi man full-time professional, I would always do it. Pero I guess, it was last year na parang nag-decide talaga ako na seseryosohin ko 'yung pagiging recording artist na solo," kwento niya sa exclusive interview ng BANDERA.
Nagbanda siya sa college at nakapag-release ng musika dalawang taon matapos grumaduate.
Baka Bet Mo: Gab Cabangon nais patunayan ang sarili, nape-pressure bilang anak ng OPM legend?
Ngunit sa gitna ng pandemya, nagbago ang direksyon niya at mas nakatuon siya sa solo career.
"I would still love to release more music with my band…but in the meantime, I'm focused muna on my solo stuff," pag-amin niya.
Bilang Executive Director ng OPM at Marketing Director ng PhilPop, aminado si Gab na mahirap pagsabayin ang pagiging leader at artist.
"They're two different hats…When I'm in my leadership hat, ang mindset ko is how do I support Filipino singers? Ngayon kapag artist naman ako, paano ko i-apply 'yung natutunan ko sa leadership sa musika na ginagawa ko?" sey niya.
Para kay Gab, ang pinakamahalaga ay ang pag-suporta sa Pinoy music at artists, at hindi lang sa pamamagitan ng numbers o chart positions.
Malinaw ang pananaw ni Gab sa estado ng lokal na musika: "Access to opportunities is still a big issue… kailangan natin ng mas maraming spaces at avenues para maipakita ng mga artists ang talent nila. Hindi kulang ang talent, pero kulang pa ang pagkakataon."
Dagdag pa niya, kailangan ding itaguyod ang pagkonsumo ng local music.
"Mas marami pa rin ang nakikinig sa foreign music kaysa sa local…let's give more room for our local artists, mainstream man o indie," panawagan niya.
Sa tanong kung kaya na ba ng OPM makipagsabayan sa international scene, walang duda si Gab: "Kaya na natin mag-compete…at take offense ako sa sinasabi na jologs ang Filipino music. Hindi totoo at unfair 'yun."
Para sa mga nagnanais sumabak sa musika, ang payo ni Gab: "Bago mag-focus sa fame, mag-focus sa pag-improve sa craft mo."
"Matutong mahalin ang kultura at musika natin. At huwag titigil sa pag-aaral kasi mabilis ang pagbabago ng industriya," aniya pa.
Kasabay ng lahat ng ito, inilabas ni Gab ang kanyang bagong single na "Kama", isang soulful guitar-pop track na paalala na ang pahinga ay hindi kahinaan kundi pangangailangan.
Inspirasyon ito ng sariling karanasan niya sa stress at trabaho, at handog din sa asawa at sa lahat ng nakararamdam ng pagod.
"I hope na when they hear the song, they'll be kind for themselves to find rest… not to forget to spend intimate moments with somebody you love," mensahe niya.
Bilang promo ng kanta, magsasagawa si Gab ng mini bar tour sa Metro Manila, simula Friday, February 13, bago ang Valentine's Day.
Sinabi rin niya na hindi ito ang huli, marami pang musika ang paparating ngayong 2026!
The post EXCLUSIVE: Gab Cabangon kilalanin mula banda, solo career, pagmamahal sa OPM appeared first on Bandera.

No comments: