BREAKING NEWS

Instituto Cervantes may libreng talk tungkol sa Spanish words sa Filipino

Instituto Cervantes may libreng talk tungkol sa Spanish words sa Filipino

KUNG iniisip mo na puro "mesa," "silya," at "sapatos" lang ang Español na ginagamit natin sa araw-araw, aba, may mas malalim pang kwento ang ating wika! 

Sa darating na February 11, 5:00 p.m., maghahandog ng kaalaman ang Instituto Cervantes Intramuros sa Manila sa kauna-unahang talk ng kanilang lecture series na Charlas de la Academia, na ipinresenta ng Academia Filipina de la Lengua Española.

Pinamagatang "Vínculos lingüísticos: El español en el filipino" (Linguistic Links: Spanish in Filipino), tatalakayin ni Academia Director Daisy López kung paano humalo ang wikang Español sa Filipino, at kung paano ang mahabang kasaysayan ng Espanya at Pilipinas ay nakaapekto sa ating pang-araw-araw na salita.

"From common words such as mesa, silya, sapatos, and bintana to numbers, time expressions, and surnames, Spanish has left a clear imprint on Filipino vernacular languages," sey ni López. 

Baka Bet Mo: Instituto Cervantes Manila may libreng film series, tribute kay Gonzalo Suárez

At hindi lang basta salita! Ayon sa kanya, pati ang mga pattern ng wika, paraan ng pagbibigay ng pangalan, at kahit ang ating pang-araw-araw na diskurso ay may bakas ng impluwensiya ng Español.

Itinuturo ng lecture na ang Spanish influence ay hindi pumapalit sa mga katutubong wika, kundi hinahalo at nagiging bahagi ng uniquely Filipino linguistic identity. 

"Language is a living record of history," dagdag pa ni López, kaya naman ang pag-unawa sa Spanish na impluwensiya ay nakakatulong sa pagpapahalaga sa ating multicultural heritage.

Ang talk ay bukas sa publiko, ngunit inirerekomenda ang maagang pagpaparehistro sa link na ito: https://forms.office.com/e/BT2y3V3VFg.

Ang event ay pinangungunahan ng Academia Filipina de la Lengua Española at Instituto Cervantes de Manila, katuwang ang Embassy of Spain in the Philippines, AECID Philippines, at Intramuros Administration.

Matatagpuan ang Instituto Cervantes (Intramuros branch) sa 385 Calle Real, Plaza San Luis Complex, Intramuros. 

Para sa dagdag na detalye, bisitahin ang kanilang website: www.manila.cervantes.es o sundan sa Facebook: www.facebook.com/InstitutoCervantesManila.

The post Instituto Cervantes may libreng talk tungkol sa Spanish words sa Filipino appeared first on Bandera.


Instituto Cervantes may libreng talk tungkol sa Spanish words sa Filipino Instituto Cervantes may libreng talk tungkol sa Spanish words sa Filipino Reviewed by pinoyako on February 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close