BREAKING NEWS

FB page ni Lloyd Cadena na-hack, panawagan ng pamilya: Help us mass report!

FB page ni Lloyd Cadena na-hack, panawagan ng pamilya: Help us mass report!
PHOTO: Instagram/@lloydcafecadena

INGAT, ingat mga ka-BANDERA at huwag munang magpaniwala sa kung ano man ang napo-post sa Facebook page ng pumanaw na content creator na si Lloyd Cadena.

Ayon kasi sa kanyang pamilya, na-hack at ginagamit ngayon ang page na wala naman kinalaman kay Lloyd.

Dahil diyan, nanawagan si Madam Aivan, kaibigan at kapwa content creator ng late vlogger.

"Please help us mass report the page of my dear friend Lloyd. Although this is sad for us, hindi na rin kasi ma-retrieve ang page na 'to," sey ni Madam Aivan sa kanyang Facebook post, kasama ang screenshot ng page ni Lloyd na may mahigit seven million followers.

Baka Bet Mo: Huling vlog ni Lloyd Cadena inilabas na: Nag-ipon ako, hindi ako naging burara sa pera…

Ayon kay Madam Aivan, sinikap nila ng pamilya ni Lloyd na maibalik ang page, kahit humingi pa ng tulong sa isang dating empleyado ng Meta.

"Ang gusto na lang ng family ni Lloyd is ipa-mass report ang page na 'to para hindi na magamit sa kung ano-anong posting lalo at it's just a matter of time bago tuluyang palitan ng hackers ang name ng page ni Lloyd," dagdag niya.

"On behalf of Lloyd's family, we thank you in advance!" pagtatapos niya.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FMadamAivan%2Fposts%2Fpfbid02rGDCVA5EctYpmD5GAiJRw13zXeGodE9ygxSYo5r8AD43tjkzqtVmDQ15bFSroKWrl&show_text=true&width=500" width="500" height="756" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

As of this writing, ang page ay pinalitan na ng pangalang Lloyd Cafe Cadena, pati ang profile at cover photos nito ay binago na sa "Coffee News."

Bumaba na rin ang follower count sa 5.4 million, at ngayon ay nagpo-post tungkol sa foreign personalities at gumagamit ng clickbait para sa ibang website na walang kinalaman kay Lloyd.

Matatandaang nakilala noon si Lloyd sa kanyang nakakatawa at engaging na contents.

Pumanaw siya noong 2020 dahil sa heart attack, sa edad na 26.

The post FB page ni Lloyd Cadena na-hack, panawagan ng pamilya: Help us mass report! appeared first on Bandera.


FB page ni Lloyd Cadena na-hack, panawagan ng pamilya: Help us mass report! FB page ni Lloyd Cadena na-hack, panawagan ng pamilya: Help us mass report! Reviewed by pinoyako on February 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close