Anne Curtis sa ‘power couple’ blind item: ‘Learn the art of dedma!’

DEDMA kung dedma ang TV host-actress na si Anne Curtis sa kumakalat na blind item tungkol sa isang umano'y "power couple" na may pinagdadaanang problema sa relasyon.
Ito ay kahit pa sila ng asawang si Erwan Heussaff ang isa sa mga napag-iinitan online.
Sa guesting ni Anne sa "Fast Talk with Boy Abunda," diretsahang binanggit ng King of Talk ang viral blind item at ang mga celebrity couple na nadamay sa espekulasyon, kabilang na raw ang mag-asawang Anne at Erwan.
"I didn't know. I knew the issue, pero I didn't know we were part of the list," pag-amin ng aktres.
Baka Bet Mo: Marian Rivera sa 'power couple' blind item: 'Jusme, parang every year na lang!'
May kasunod pang biro si Anne nang marinig na kabilang sila sa tinaguriang "power couple."
"Ang taray naman ng power couple. I don't know if I would consider Erwan and I, a power couple but thank you for considering us," sey niya.
Pero kung reaksyon lang ang pag-uusapan, malinaw na hindi na bago kay Anne ang ganitong klaseng usapan at lalong hindi ito ikinabahala ng aktres.
"Alam mo, like, I've been in the industry for so long, and so many controversies have come my way. And I still live by that same motto I came up with years ago: Learn the art of dedma," sambit ni Anne.
Para sa kanya, walang magandang maidudulot ang pag-i-stress sa mga isyung walang basehan, lalo na kung sarili mo lang ang masasaktan.
"Don't stress about it because I feel like when you stress about things and I'm speaking from experience, sometimes it manifests in your body. So why would you do that to yourself? If you give it five seconds of your life, ten seconds, a minute, but after that, let it go," dagdag pa niya.
Kung matatandaan, taong 2017 nang ikinasal sina Anne at Erwan.
Makalipas ang tatlong taon ay mas lalong naging kumpleto ang kanilang pamilya nang isilang ang kanilang anak na si Dahlia.
The post Anne Curtis sa 'power couple' blind item: 'Learn the art of dedma!' appeared first on Bandera.

No comments: