BREAKING NEWS

Eugene Domingo balak pasukin ang Hollywood? ‘Hindi kasama sa plano ko!’

Eugene Domingo balak pasukin ang Hollywood? 'Hindi kasama sa plano ko!'
PHOTO: Instagram/@petatheater

KUNG ang ibang lokal na artista ay pangarap ang mag-Hollywood, si Eugene Domingo naman ay nakatutok sa sariling bayan at sa teatro!

Sa kanyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda," sinabi ni Eugene na ang pagpunta sa ibang bansa para sa career ay hindi kailanman kasama sa kanyang plano.

"To be honest, hindi na kasama sa plano ko, even when I was younger, to be in Hollywood or to have a career outside my country. I just really loved theater when I was younger," sey niya.

Dagdag ng comedienne-actress, "And kung tayo makakapasok sa Oscars, hindi imposible. Kailangan lang talaga nating ng pera at suporta ng gobyerno."

Baka Bet Mo: Eugene Domingo abangers na magkamali si Lea: Perfect, e! Nakakainis!

Nagkaroon din siya ng pahayag tungkol sa tagumpay ng kanyang kaibigan na si Dolly de Leon at kapwa aktres na si Ruby Ruiz sa international scene.

Si Dolly ay nakilala sa buong mundo dahil sa kanyang role sa Ruben Östlund's "Triangle of Sadness," na nagbigay sa kanya ng Golden Globe at BAFTA nominations bilang Best Supporting Actress.

Si Ruby naman ay nag-Hollywood debut sa Nicole Kidman-starrer na series na "Expats," at may isa pa siyang upcoming Hollywood movie na may titulong "First Light." 

Samantala, si Eugene ay patuloy na bumibida sa local scene!

Ang pinakahuli niyang pelikula ay ang 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na "Unmarry." 

Mayroon din siyang bagong movie na "Sisa," mula sa direksyon ni Jun Robles Luna, at ang makakasama niya riyan ay ang veteran actress na si Hilda Koronel.

Maliban sa pelikula, bumida rin siya kamakailan lang sa musical theater sa Philippine staging ng "Into The Woods," kasama ang broadway superstar na si Lea Salonga.

Ilan sa mga sikat na proyekto ni Eugene ay ang "Kimmy Dora" at "Ang Babae Sa Septic Tank," na nagbigay sa kanya ng Gawad Urian Award for Best Actress noong 2012.

The post Eugene Domingo balak pasukin ang Hollywood? 'Hindi kasama sa plano ko!' appeared first on Bandera.


Eugene Domingo balak pasukin ang Hollywood? ‘Hindi kasama sa plano ko!’ Eugene Domingo balak pasukin ang Hollywood? ‘Hindi kasama sa plano ko!’ Reviewed by pinoyako on February 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close